Lihim na relasyon ng dalawang aktres, ibinuking ng mga kaibigan nila

by Jojo Gabinete
Sep 1, 2018

Marami na ang nakakaalam sa inililihim na relasyon ng dalawang aktres na parehong contract star ng isang television network.

Alam ng mga malalapit na kaibigan ng mga aktres ang kanilang same-sex relationship.


Ang mga kaibigan ang takbuhan at sumbungan ng mga aktres kapag nagkakaroon sila ng lovers' quarrel.

Tiwalang-tiwala ang mga aktres na safe sa mga kaibigan nila ang itinatago na relasyon, pero lingid sa kaalaman ng dalawa, ang mga itinuturing na confidante ang nagkukuwento sa ibang tao tungkol sa kanilang lihim.

Continue reading below ↓

Hindi mapagdududahan na may dual personalities ang magkarelasyon na aktres dahil babaeng-babae sila sa pananalita, kilos, at pananamit.

May mga naniniwalang sooner or later, mabubulgar din ang relasyon ng mga aktres dahil hindi marunong magtago ng sikreto ang mga taong pinagkatiwalaan nila.

Malaki rin ang posibilidad na dumating ang araw na ipagtapat nila sa publiko ang tunay na sexual orientation dahil sa kanilang kagustuhang maging malaya, tulad ng dilemma noon nina Rustom Padilla, Prince Stefan, Mark Bautista, at former sexy star na si Piel Morena.

Anim na taon na ang nakalilipas nang aminin ni Piel na tomboy siya.


Continue reading below ↓

Piel Morena

Humingi ng paumanhin si Piel sa mga lalaking nakarelasyon niya dahil hindi siya naging matapat sa kanila.

"Sorry sa mga naging boyfriends ko before na hindi talaga nila alam.

"Once na malaya ka, you will find happiness. You will be happy," ang coming-out statement ni Piel noong 2012.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results