Ex Battalion, handa nang mag-shoot para sa debut movie

by Jojo Gabinete
Sep 2, 2018

Tapos na ang look test ni Ai-Ai delas Alas at ng Ex Battalion para sa pelikulang Sons of Nanay Sabel kaya hinihintay na lang nila ang pag-uumpisa ng unang araw ng kanilang shooting sa September 17.


Sinabi ng anim na miyembro ng Ex Battalion na magkahalong kaba at excitement ang kanilang nararamdaman para sa unang pelikula na pagbibidahan nila.

Continue reading below ↓

At kahit may mga nagsasabi na nakatawid na sila sa mainstream, itinuturing pa rin ng Ex Battalion na “underground” ang grupo nila.

“Underground pa rin kami kasi ang ugat namin nasa underground pa rin.

“Talagang hindi na mawawala, siguro nagkabunga lang.

“Kapag gumagawa kami ng music, ginagawa pa rin namin na the way na ginagawa namin nung underground pa kami.

“Ganoon pa rin. Hindi naman nagbago,” ang paliwanag ng Ex Battalion.

Hindi pa man nagsisimula ang shooting ng Sons of Nanay Sabel, inihahanda na ng Ex Battalion ang soundtrack ng launching movie nila.

“Inaayos na namin ang soundtrack ng Sons of Nanay Sabel.

“Gumawa nga kami ng soundtrack para sa Victor Magtanggol [ang primetime television series ni Alden Richards sa GMA-7], pinagbuhusan namin ng panahon, paano pa kaya sa sariling pelikula namin?” ang pahayag ng grupo na magkakapatid na magkakaiba ang ama at iba-iba ang ugali ang gagampanang mga karakter sa Sons of Nanay Sabel.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results