20th anniversary concert ng Manila Philharmonic Orchestra, umani ng standing ovation

by Jojo Gabinete
Sep 2, 2018

Standing ovation ang tinanggap ni Maestro Rodel Colmenar at ng mga miyembro ng Manila Philharmonic Orchestra (MPO) mula sa audience ng MPO Opus 20: Trailblazing Music Excellence, ang kanilang 20th anniversary concert na ginanap kagabi, September 1, sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines.

Si Colmenar ang founder at musical director ng MPO.

Tatlong oras tumagal ang concert na eksaktong nagsimula ng 8 pm at natapos ng 11 pm.

Malakas na palakpakan ang umalingangaw sa Tanghalang Nicanor Abelardo nang tugtugin ng MPO ang kanilang renditions ng ilang classical at contemporary pieces.

Nagustuhan ng manonood ang production number ng mga batang babae na nagbida noon sa musical play na Annie, pati na ang pagkanta nila ng mga hit songs ni Ariana Grande.

Nagbigay din ng tribute ang MPO sa award-winning composer na si George Canseco.

Ang UST Singers ang umawit ng medley ng mga sikat na composition ni Canseco—ang "Gaano Kadalas ang Minsan," "Paano Ba ang Mangarap" at "Ngayon," among others.

Continue reading below ↓

Ang performance ni Lani Misalucha at ang debut concert ng big band ng MPO ang highlight ng MPO Opus 20.


Once again, pinatunayan ni Lani ang kanyang husay nang awitin niya ang "Nella Fantasia," ang kanyang popular song na "Bukas Na Lang Kita Mamahalin," at ang medley ng timeless rock songs ng Queen—ang "Bohemian Rhapsody," "We Are the Champions," "Love of My Life," etc.

Continue reading below ↓

May mga napaluha sa emosyunal na pagkanta ni Lani sa "Nella Fantasia" at sa "Light of a Million Mornings."

Nang sabihin ni Lani na dedicated nito sa kanyang mga apo ang pag-awit niya, marami ang hindi makapaniwala na lola na siya ng apat na bata, sa edad na 46.

Tinugtog din ng MPO ang mga kanta ng Eraserheads, at kabilang sa mga nanood ay ang former Eraserheads lead vocalist na si Ely Buendia na hindi agad nakilala ng concert attendees dahil pumayat, nagmukhang bata at silver ang kulay ng kanyang mahabang buhok na nakapusod.

Read Next
Read More Stories About
Lani Misalucha, Ely Buendia
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results