Nova Villa, sobrang thankful na mapabilang sa cast ng Miss Granny

by Jojo Gabinete
Sep 2, 2018

Tiyak na lalong magiging proud ang veteran actress na si Nova Villa kapag nalaman nitong lumampas na sa P120 million mark ang box-office gross ng Miss Granny, ang pelikulang itinuturing niyang turning point ng kanyang 54-year old acting career.


Continue reading below ↓

Ipinarating ni Nova sa mga producer ng pelikula ang taos-pusong pasasalamat dahil siya ang napili na gumanap bilang old Sarah Geronimo sa Miss Granny.

“I am so thankful to Viva and N2 Productions.

“Salamat nang marami for giving me the chance, for giving me the break, a very good break.

“Sa edad kong ito, pinagkatiwalaan niyo ako, maraming salamat.

“Thank you so much, sa mga nanood po, maraming-maraming salamat.

“Talagang itong nararamdaman namin ngayon, kami ng actors na nag-portray sa Miss Granny, we’re very grateful.

“Thank you talaga for the support, for watching the movie, for all the applause, yung magaganda ninyong sinasabi.

“We really tried our best na mabuo nang maganda ang pelikulang ito. This is for the Filipino people, this is for the Philippines.

“May aral kasi. We celebrate Mother’s Day pero yung grandmother, ngayon ko na lang na-realize how important ang isang grandmother, yung sakripisyo ng isang lola,” ang sabi ni Nova na tila nakalimutan na ipinagdiriwang sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa ang National Grandparents Day tuwing ikalawang Linggo ng September.

Continue reading below ↓

Postscript: Bago pa man nagbukas sa mga sinehan ang Miss Granny noong August 22, ipinagmalaki na ni Nova Villa sa co-stars niya at sa staff ng kanyang mga programa sa GMA-7, ang Pepito Manaloto at Inday Will Always Love You, na maganda ang bagong pelikula nila ni Sarah Geronimo kaya hinikayat niya ang lahat na manood.

Hindi naman nabalewala ang pangangampanyang ginawa ng veteran actress dahil pinanood ng mga kasamahan niya sa Pepito Manaloto at Inday Will Always Love You ang Miss Granny.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results