Sharon Cuneta, trending ang pagsasayaw ng K-Pop hit song na "TT" sa GGV

by Jojo Gabinete
Sep 3, 2018

Hindi lamang ang pagbibigay niya kay Vice Ganda ng expensive diamond-studded bracelet ang highlight ng guesting ni Sharon Cuneta sa Gandang Gabi Vice kagabi, September 2, dahil ipinakita rin ng Megastar na alam nito ang dance steps ng Korean hit song na "TT."


Para kay Vice Ganda, television moment ang impromptu na pagsasayaw ni Sharon ng "TT" sa talk show niya sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Self-confessed fan si Sharon ng Twice, ang K-Pop girl group na nagpasikat noong 2016 sa "TT," kaya memorized niya ang lyrics at dance steps ng hit Korean song.

"Yun ang love na love kong kanta, talagang kahit buong flight ko, yun ang pinapakinggan ko," ang description ng Megastar sa kanyang favorite Korean pop song.

Kung itinuturing ni Vice na TV moment ang pagsayaw ni Sharon sa show niya, halos tatlong milyon na ang views sa undated dance video ni Dionisia Pacquiao, ang ina ni Senator Manny Pacquiao.


Continue reading below ↓

Reportedly, kuha ang video sa isang fiesta na dinaluhan ni Momy Dionisia at ng kanyang mga amiga.

Very graceful ang pagsasayaw ni Dionisia sa "Dayang-Dayang" kaya pinupuri siya ng mga nakapanood ng dance video.


Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results