My Special Tatay, malaki ang pagkakaiba sa Little Nanay at Niño

by Jojo Gabinete
Sep 3, 2018

Nilinaw ng direktor na si L.A. Madridejos na malaki ang pagkakaiba ng plot ng My Special Tatay sa kuwento ng My Little Nanay at Niño.


Ang My Special Tatay ang afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula ngayong hapon, 4:15 p.m., September 3.

Ang Little Nanay ang defunct prime-time television show ng Kapuso Network na nagwakas noong March 2016, at ang Niño ang teleserye na pinagbidahan ni Miguel Tanfelix noong 2014.

Continue reading below ↓

Naikukumpara sa isa’t isa ang mga nabanggit na television show dahil pare-parehong mentally-challenged ang mga lead character—si Ken Chan sa My Special Tatay, si Kris Bernal sa My Little Nanay, at si Miguel sa Niño.

Si Madridejos ang direktor ng My Special Tatay at siya ang second unit director ng My Little Nanay kaya alam niyang may malaking pagkakaiba ang mga nabanggit na programa.

Ipinaliwanag ni Madridejos na kahit nakaangkla sa pagkakaroon ng mga mental disability ng mga bida ng My Special Tatay, My Little Nanay, at Niño, hindi magkakatulad ang kuwento ng mga teleserye ng GMA-7.

Ang patutunguhan ng kuwento, ang magiging mga hamon sa karakter ni Ken bilang Boyet at sa mga nakapaligid sa kanya ang tatalakayin sa My Special Tatay, hindi lamang ang pagkakaroon niya ng intellectual disability.

"Mas malalim ang My Special Tatay, in the sense, na sa aking personal na pananaw, mas nakaka-relate ako kay Boyet.

Continue reading below ↓

"Yung mga pinagdaanan niya na nabu-bully siya, isa po ako sa mga nambu-bully noong elementary student pa ako.

"Hindi lang tungkol sa disability ang kuwento ng My Special Tatay, mas malalim ang nire-represent ng mental condition ni Boyet," paliwanag ni Madridejos tungkol sa difference ng role ni Kris sa My Little Nanay at sa karakter ni Ken sa My Special Tatay.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results