Katrina Halili, nagsawa na sa mga lalaki kaya walang love life

by Jojo Gabinete
Sep 3, 2018

Alam ni Katrina Halili na may iba nang girlfriend ang kanyang ex-boyfriend na si Kris Lawrence, kahit hindi ito nagkukuwento.

Hindi rin alam ng kanilang five-year-old daughter na si Katie na may karelasyon si Kris dahil hindi nito ipinapakilala ang girlfriend.


Si Katrina ang nakipaghiwalay kay Kris, na maraming beses sinubukang magkabalikan sila pero nabigo.

Continue reading below ↓

Pero sa ngayon, mas maganda ang relasyon nila bilang magkaibigan alang-alang sa kanilang anak.

Kuwento ni Katrina tungkol sa ama ng kanyang anak, "Kapag may free time, pinupuntahan niya si Katie, halos twice o thrice a week, lalo na nung busy ako.

"Sinasabihan ko siya na, 'Sunduin mo naman si Katie.' Sinusundo niya, naglalaro sila.

"Ayoko naman ipagdamot, busy ako, 'tapos walang kasama si Katie."

Nagkaisip at nasanay na si Katie na dinadalaw lamang siya ni Kris sa tahanan ni Katrina kaya hindi ito nagtatanong kung bakit hindi nagsasama sa isang bahay ang mga magulang niya.

MANA SA AMA

Tanggap ni Katrina na minana ng kanyang anak ang hilig ni Kris sa music dahil sa edad na lima, maganda ang timbre ng boses ni Katie at marunong na itoNG gumamit ng mga musical instrument.

"Namana sa papa niya [ang pagkanta], pati musical instruments. Pinag-aral nga namin ng piano.

"Six years old na siya sa September 18.

Continue reading below ↓

"Marunong akong kumanta pero pa-sweet. Okey lang na mamana niya yun.

"Pero yung taas ng boses, sa papa niya," proud na pahayag ni Katrina tungkol sa kanyang unica hija, na carbon copy niya.

NAGSAWA NA?

Nang tanungin tungkol sa current state ng kanyang love life, sumumpa si Katrina na single siya dahil napagsawaan na niya ang mga lalaki.

"Parang napagsawaan ko na yata, e. Napagsawaan ko na sila.

"Na-busy na ako na mag-ipon para sa anak ko!"

Si Katrina ang lead actress ng mga Anak ng Kamote, isa sa mga official entry sa 3rd ToFarm Film Festival na magaganap mula September 12 hanggang September 18.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results