Jose Mari Chan, aliw na aliw sa pagti-trending niya tuwing 'Ber months'

by Jojo Gabinete
Sep 4, 2018

Aliw na aliw si Jose Mari Chan dahil nagte-trending siya at kumalat ang mga Internet meme tungkol sa kanya tuwing September 1.


Para sa mga Pilipino, nagsisimula ang Christmas season sa pagpasok ng "ber months" at itinuturing nilang Christmas icon si Jose Mari dahil sa recurring popularity ng kanyang mga Christmas song tuwing holiday season.

Continue reading below ↓


Pagpasok ng September 1, madalas na pinatutugtog sa mga radio station ang mga Christmas song ng veteran singer-composer at in demand din siya sa mga television guesting.


Continue reading below ↓

Dalawa ang Christmas album ni Jose Mari na pinarangalan ng Double Platinum (800,000 copies sold) ng Philippine Association of the Record Industry (PARI)–ang Christmas in Our Hearts at Going Home to Christmas.


Bilang pasasalamat at pagpapahalaga sa mga kasama sa pagbuo ng kanyang successful Christmas albums, nagbigay rin si Jose Mari ng sariling parangal sa mga taong tinawag niyang unsung heroes.

Continue reading below ↓

"I wanted to acknowledge that the success and the quality of any album is not just the work of one single artist, no matter how well known, how established he is but by the collective and creative work of the arrangers and musicians, the co-writers, the fellow artists, the singers that put together the album.

"I thank all of you for your support but of course, music is a gift from God. We have to acknowledge that," pahayag ni Jose Mari.

Kung may ikinalulungkot man ang King of Christmas ng Pilipinas, ito ay ang pagsasara ng mga record store at mga recording company.

"Unfortunately, a few of the recording companies have since shutdown.

"Sadly, a few of the record outlets have also closed down.

"So it’s a very sad state and many times, I worry about the future of OPM because this situation is not encouraging young writers to continue writing," agam-agam ni Jose Mari.

Continue reading below ↓

Postscript: Ikalulungkot ng fans ni Jose Mari ang posibilidad na last Christmas album na niya ang Coming Home to Christmas dahil sa kanyang katuwiran na, "What else can you say? I would only be repeating myself... kulang na lang I write about Santa Claus."

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Jose Mari Chan
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results