Rayver Cruz, kumpirmado na ang paglipat sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Sep 4, 2018

Tahimik pa si Rayver Cruz tungkol sa career plans nito matapos umalis sa ABS-CBN, pero sigurado na ang paglipat niya sa GMA-7.


Nakita si Rayver sa GMA Network Center compound noong nakaraang linggo, isang patunay na may katotohanan ang balita noong aalis na siya sa ABS-CBN na naging mother studio niya nang matagal na panahon.

Continue reading below ↓

Bago siya namataan sa Kapuso Network building, personal na nagpaalam si Rayver sa mga kasamahan niya sa Kapamilya Network.

Ang mga taong pinagpaalaman ni Rayver ang nag-post sa social media ng "goodbye photos" nila kaya lalong nakumpirma ang pag-alis niya sa ABS-CBN.

Hindi stranger si Rayver sa GMA-7 dahil mainstay siya ng Kiss Muna, ang 2000 sitcom na pinagbidahan nina Joey de Leon, Ara Mina, at Jomari Yllana.

Piolo ang pangalan ni Rayver sa Kiss Muna at 11 years old siya noong panahon na yun.

Year 2004 nang maging contract star si Rayver ng Star Magic, ang talent management agency ng ABS-CBN, at ang Bagani ang huling television series niya sa Kapamilya Network.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Rayver Cruz
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results