Paulo Avelino, rekomendado si Daniel Padilla na gumanap bilang Goyo

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2018

Dalawang big-budgeted movies ang magkasabay na nagbukas ngayon sa mga sinehan—ang Goyo: Ang Batang Heneral ng TBA Studios at ang Korean movie na Along with the Gods: The Last 49 Days, na sequel ng blockbuster film na Along with the Gods: The Two Worlds.


Ang Goyo ang second installment ng historical trilogy ng TBA Studios at follow-up sa Heneral Luna, na may production budget na PHP80 million at may total box office gross na PHP256 million.

Continue reading below ↓

Umaasa ang mga producer ng Goyo na kung hindi nito mahihigitan ang kinita ng Heneral Luna, mapapantayan ng pelikula ni Paulo Avelino ang sleeper hit movie ni John Arcilla.

May tsansa ang mga manonood ng Goyo na makita nang personal si Paulo dahil sa surprise visit na gagawin nito ngayon sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng pelikula niya.

Incidentally, ang pangalan ni Daniel Padilla ang sagot ni Paulo nang tanungin ito kung bukod sa kanya, sino sa palagay niya ang aktor na bagay na gumanap na Goyo.

Twenty-four years old si Goyo nang mamatay, 23 years old si Daniel at 30 years old na si Paulo kaya may mga nakiayon sa opinyon nitong bagay rin na Goyo ang lead actor ng The Hows of Us.

Tulad ng mga producer ng Heneral Luna at Goyo: Ang Batang Heneral, umaasa ang mga producer ng Along with the Gods: The Last 49 Days na tatangkilikin din ng Filipino moviegoers ang sequel ng Along with the Gods: The Two Worlds.

Continue reading below ↓

Naganap kagabi, September 4, sa Robinson’s Galleria Movieworld ang red-carpet premiere ng Along with the Gods: The Last 49 Days.

All seats taken sa sinehan na pinagdausan ng premiere ng Korean movie na hindi namin akalaing popular sa Pinoy audience na matindi ang reaksiyon sa mga eksena.

Ayon sa Korean director na Kim Yong-hwa, sa The Two Worlds, tinutukan niya ang paggawa ng kapani-paniwalang  mundo, at sa sequel, ang mga karakter ng pelikula ang binigyan nila ng importansiya.

Ipinakita rin sa The Last 49 Days ang kakaibang CG effects at production design.

Kagaya ng Along with the Gods: The Last Two Worlds, ang Along with the Gods: The Last 49 Days ang nagtala ng all-time highest opening admission sa Korean movie history at biggest opening week sa lahat ng Korean films na ipinalabas sa North America, Australia, New Zealand, at Taiwan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results