Vice Ganda, curious malaman kung nakaligo si Sen. Antonio Trillanes sa Senado

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2018

Trending pa rin ngayon ang pangalan ni Senator Antonio Trillanes sa social media dahil sa patuloy na pananatili niya sa Senado para makaiwas siya sa pag-aresto sa kanya, isang bagay na kinukuwestiyon mula pa kahapon ni Robin Padilla at ng mga kritiko ng embattled senator.

Hot topic ang isyu na kinasasangkutan ni Trillanes na pinag-uusapan ng halos lahat, kabilang na si Vice Ganda.


Continue reading below ↓

Sa live telecast ng It’s Showtime ngayong hapon, September 5, nagtanong si Vice Ganda kung nakapaligo na kaya si Trillanes, habang magkausap sila ni Mariel Rodriguez sa "Tawag ng Tanghalan" segment ng kanilang programa.

"May shower naman siguro [sa Senado]," ang sagot ni Vice sa sariling tanong niya.

"Iniisip ko kung hindi siya umuwi, siguro nagpa-drive thru na lang din yun o kaya pa-deliver.

"Sino kaya nagpa-deliver kay Trillanes?" ang follow-up question ni Vice.

Sagot ng misis ni Robin na si Mariel, "Pa-deliver siguro."

"Sana maayos ang lahat. Sana magkabati-bati ang lahat. Sana maging safe ang lahat.

"Maiayos ang mga pagkakaiba-iba sa maayos na paraan," ang concerned na pahayag ni Vice, na kahit busy sa kanyang mga showbiz commitment ay updated sa current events.

"Kaya mag-ingat po muna sa pagpunta-punta sa mga hotel ngayon kasi maraming pumipila sa buffet ngayon," pabiro pero may kahulugang statement ni Vice dahil hindi pa nakakalimutan ng karamihan sa mga Pilipino ang Manila Peninsula siege na pinangunahan ni Trillanes sa Makati City noong November 29, 2007.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results