Robin Padilla, binuweltahan si Sen. Antonio Trillanes: "E, siya parang elementary, nakikipagtaguan!"

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2018

"E, siya parang elementary [student], nakikipagtaguan!"

Ito ang malutong at natatawang resbak ng action superstar na si Robin Padilla sa pahayag ni Senator Antonio Trillanes IV na, "How will I take this guy seriously? E, parang high school lang.

"You grow up! Pag mature na siya then he can talk to me, I will give him my full attention."


Continue reading below ↓

Kasama si Robin sa mga nakatutok sa pag-aresto kay Trillanes at nagsadya pa siya sa Senado para saksihan ang paghahain sa senador ng warrant of arrest na hindi naman nangyari ngayon.

Nadamay si Robin sa isyu ng pagdakip kay Trillanes dahil sa kanyang panawagan na sumuko na lamang ang senador, harapin nito ang kaso at huwag gawin na hotel ang Senado.

"Inaantay ko yung warrant. Gusto kong masaksihan.

"Mula pa nung cinoup de etat ni Emilio Aguinaldo si Andres Bonifacio, wala pang na-prosecute. Baka ngayon lang.

"Kapag senador pala, puwede nang gawing hotel ang Senado?

"Kung talagang wala kang kasalanan, pare, at totoong naniniwala ka na ikaw ay malinis, pare, lumabas ka diyan.

"Pumunta ka dun sa nag-aakusa sa iyo," apela ni Robin sa dating elementary schoolmate niya sa Siena College, Quezon City.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results