Jolo Revilla, naudlot ang pag-aaral sa Harvard dahil sa promo ng Tres

by Jojo Gabinete
Sep 6, 2018

Ang October 3 playdate ng Tres ang dahilan kaya postponed for November ang pagpunta ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa Boston, Massachusetts para sa Leadership for the 21st Century, ang short course niya sa Harvard School of Government ng Harvard University.


Magsisimula sana ngayong September ang klase ni Jolo sa Harvard University, pero nagdesisyon ang Imus Productions na i-release sa mga sinehan sa October 3 ang Tres kaya kailangan siya sa promo ng action movie na pinagbibidahan nila ng kanyang mga kapatid na sina Bryan at Luigi Revilla.

Continue reading below ↓

Bayad na ang plane fare ni Jolo, pero hindi na siya puwedeng mag-rebook ng flight kaya nabalewala ang pamasahe na ibinayad niya.

Sa kabila ng nangyari, desidido si Jolo na ituloy sa November 2018 ang naudlot na pag-aaral niya sa Harvard School of Government dahil naniniwala siyang mahalaga ang edukasyon sa buhay ng tao.

Sinabi ni Jolo na patuloy ang pag-aaral niya para makatulong pa siya sa kapwa at sa constituents niya sa Cavite.

Bilang bise-gobernador ng Cavite, ang paggawa ng mga ordinance at resolution ang ilan sa kanyang mga responsibilidad.

Siya rin ang deciding officer ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite.

Postscript: Ang Tres ang comeback trilogy movie ng Imus Productions at unang pelikula ng magkakapatid na Bryan, Jolo, at Luigi.


Continue reading below ↓

Ikinuwento ni Jolo na siya ang instrumento kaya nakilala ng kanyang nanay na si Lani Mercado si Luigi, ang kapatid niya sa ama.

Pantay-pantay ang trato ni Bong Revilla, Jr. at Lani sa kanilang mga anak, maging kay Luigi, kaya tunay at hindi half-brother ang turing sa kanya ng mga kapatid niya.

Tanggap na tanggap ni Lani si Luigi, very supportive siya sa career ng kanyang stepson na madalas na natutulog noon sa tahanan nila ni Bong.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results