Hollywood actor Burt Reynolds, pumanaw na

by Jojo Gabinete
Sep 6, 2018

Cardiac arrest ang cause of death ng veteran Hollywood actor na si Burt Reynolds.

Binawian ng buhay noong September 6 (September 7 sa Pilipinas) sa Jupiter Medical Center, Jupiter, Florida, USA.


Nagsimula ang acting career ng 82-year-old actor nang magbida siya sa television series na Gunsmoke noong 1962 at naging in demand movie actor noong dekada '70.

Continue reading below ↓

Year 1969 nang ipalabas sa mga sinehan sa Amerika ang Impasse, ang pelikulang pinagbidahan ni Reynolds tungkol sa isang grupo ng adventurers na nagpunta sa Pilipinas para hanapin ang mga ginto na nawala noong World War II.


Kinunan sa Maynila, Cavite, Corregidor Island, at sa Manila International Airport (NAIA) ang mga eksena ng Impasse.

Continue reading below ↓

Co-stars ni Reynolds ang Filipino actors na sina Vic Diaz, Dely Atay-Atayan, Bruno Punzalan, Bessie Barredo, at Shirley Gorospe.

Unforgettable kay Reynolds ang shooting ng Impasse sa Pilipinas dahil naranasan niyang mabugbog sa tunay na buhay.

Hindi alam ng mga tao na may filming na nagaganap dahil malayo at nakatago ang mga camera sa isang chase scene kaya inakala nilang totoo ang kaguluhang nangyayari.

"I told the guy ahead of me to knock down anything and keep going.

"He ran into a marketplace that wasn't blocked off.

"They didn't know it was shooting because the camera was far away with a zoom lens.

"He began knocking down old ladies as he ran, and before I knew it, I was surrounded by six big Filipinos who beat the living hell out of me.

"They left the beating in the final print," pahayag ni Reynolds sa isang interview tungkol sa unforgettable experience niya sa shooting ng Impasse sa Maynila.

Continue reading below ↓

Ilan pa sa memorable films ni Reynolds ay ang mga sumusunod: Deliverance (1972), White Lightning (1973), The Man Who Loved Cat Dancing (1973), The Longest Yard (1975), Lucky Lady (1975), Smokey and the Bandit (1977), The Cannonball Run (1981), Malone (1987), All Dogs Go To Heaven (1989), Boogie Nights (1997), The Longest Yard (2005), The Dukes of Hazzard (2005).

Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results