Sino si Mr. Escort Greg Hawkins ng It's Showtime?

by Jojo Gabinete
Sep 7, 2018

Ang "love triangle" nina Vice Ganda, Ate Girl Jackque Gonzaga, at Kuya Escort Greg Hawkins ang isa sa mga inaabangan at tinututukan ng viewers ng "Miss Q & A" segment ng It’s Showtime dahil sa mga nakakatawang eksena ng tatlo.

Nakilala at nagkaroon ng instant showbiz career si Jackque dahil sa fondness sa kanya ni Vice Ganda at sa love team nila na nabuo sa unang season ng "Miss Q & A."

Nang ibalik ng It’s Showtime ang contest para sa mga gay at transgender women, idinagdag sa segment si Greg Hawkins, na binansagan ni Vice Ganda bilang Kuya Escort at gaya ni Ate Girl ay object din ng kanyang affection.

Dahil sa kanyang exposure sa It’s Showtime, nadagdagan ang followers ni Greg at nagkaroon ng interes ang fans niya na malaman ang mga personal information tungkol sa kanya.


Continue reading below ↓

Nakapagsasalita at nakakaintindi ng Tagalog si Greg, pero hindi siya Pilipino.

Half-American at half-Korean si Greg.

Natuto siya ng Filipino language dahil missionary siya ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints sa Pilipinas noong 2016.

Bilang Mormon missionary, nag-iikot si Greg sa maraming sulok ng bansa para makumbinsi ang mga Pilipino na umanib sa simbahan nila.

Ang talent manager na si Lito de Guzman ang discoverer ni Greg, na may height na 5'10" at 25 years old.

Kuwento ni Lito tungkol kay Greg, "May college degree si Greg, graduate siya ng management major in accounting. 

"Wala siyang Filipino blood.

"Nang matapos ang mga missionary work niya sa Pilipinas, bumalik siya sa Amerika.

"Pero sinabi ko sa kanya, kung gusto niyang mag-artista o gumawa ng mga television commercial, bumalik siya sa akin.

"After one year and a half, saka siya nag-decide na magbalik sa Pilipinas noong December 19, 2017.

Continue reading below ↓

"Sinabi ko sa kanya na magsipag lang siya sa mga audition, makakatsamba rin siya.

"Unang nakita si Greg sa audience gallery ng Gandang Gabi Vice.

"'Tapos, kinuha na siyang escort ni Orville Tonido sa Pilipinas Got Talent.

"Pinag-audition ko din siya sa It’s Showtime at pumasa naman siya.

"Una, trial lang kasi walang spot, pero nakatuwaan ni Vice si Greg kaya nagtuluy-tuloy na ang exposure niya."

Nagpapasalamat si Lito kay Vice Ganda at sa It’s Showtime sa malaking break na ibinigay kay Greg.

Para kay Lito, deserving si Greg sa magagandang nangyayari sa career nito dahil likas na mabait at edukado ang former Mormon missionary.

Postscript: Nang pumasok ang 2018, maraming pagsubok na pinagdaanan si Lito tulad ng pagkasunog ng kanyang bahay kaya nawala ang lahat ng mga gamit na naipundar niya na muntik nang maging dahilan para sumuko siya.

Nang bumalik si Greg sa Pilipinas, nagkaroon ng bagong pag-asa si Lito at lalong lumakas ang pananalig niya sa Diyos.

Continue reading below ↓

Aniya, "Ang dami-daming pagsubok ang pinagdaanan ko, ibang klase.

"Baka si Greg na talaga ang ibinigay sa akin ni Lord. Another chance, another break."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results