Jean Garcia at Tonton Gutierrez, naungkat ang kanilang nakaraan

by Jojo Gabinete
Sep 7, 2018

Sina Jean Garcia, Tonton Gutierrez, at Gelli de Belen ang ilan sa lead stars ng Ika-5 Utos, ang afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa Lunes, September 10.


(L-R) Jean Garcia, Tonton Gutierrez, and Gelli de Belen

Para sa mga nabanggit na artista, malaking karangalan na makatrabaho nila si Laurice Guillen, ang direktor ng Ika-5 Utos na kilala rin bilang multi-awarded actress.

Continue reading below ↓

Si Neil Ryan Sese ang gumaganap na philandering husband ni Jean, at si Valerie Concepcion ang asawa ni Tonton sa bagong programa ng Kapuso Network.

Sa presscon ng Ika-5 Utos noong September 3, nagkomento ang entertainment columnist na si Jun Nardo tungkol sa naging relasyon noon nina Jean at Tonton.

Si Tonton ang unang tinanong ni Jun sa mga artista ng Ika-5 Utos na may pamilya.

Ang kanyang tanong: Magagawa niyo bang labagin ang Ika-5 Utos para sa inyong mga anak?

Sagot ni Tonton, "Ako, depende sa sitwasyon.

"Kung siguro nakapatay yung aking anak, yun ang mahirap.

"Siyempre, gagawin mo ang lahat para sa anak mo. You will exhaust everything para hindi siya makulong.

"Pero kapag ganoon, sa tingin ko isusuko ko.

"Pero kung siya ang napatay, ipaglalaban ko yun hanggang kamatayan. Ihahanap ko siya ng hustisya."

Pagkatapos sumagot ni Tonton, si Jean ang sumunod na tinanong ni Jun.

Pero nagsalita muna ito ng "Huwag mong gayahin [ang sagot] si Tonton maski may nakaraan kayo, ha?"

Continue reading below ↓

"Ano?" ang reaksiyon ni Jean na natawa pero hindi sineryoso at hindi pinatulan ang rebelasyon ni Jun, na dating manager ng aktres kaya may alam ito tungkol sa kanyang personal na buhay.

Meanwhile, maliit na bata pa si Gelli nang makilala niya si Laurice sa set ng Flor de Luna, ang toprating soap opera ng Channel 9 noong 1978.

Si Laurice ang gumanap na Jo Alicante, ang stepmother ni Flor de Luna, ang karakter na binigyang-buhay ni Janice de Blen, ang older sister ni Gelli.

Four years old si Gelli nang una nitong makatrabaho si Laurice bilang direktor sa Kasal?, ang 1980 movie nina Christopher de Leon at Hilda Koronel.

Ikinuwento ni Gelli na walang involved na acting ang special participation niya sa Kasal? dahil mga flower girl lang ang role nila ni Janice sa kanyang kauna-unahang pelikula.

Nineteen years old na si Gelli nang muli silang magkasama ni Laurice sa Apoy sa Puso ng Viva Films.

Continue reading below ↓

Si Laurice ang direktor ng 1992 movie na pinagbidahan nina Gelli, Ricky Davao, Dawn Zulueta, at Gary Estrada.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results