Kapuso stars Kris Bernal, Benjamin Alves, Kevin Sagra inabutan ng lindol sa Davao

by Jojo Gabinete
Sep 8, 2018

Isang 6.3 magnitude earthquake ang naranasan sa Davao City ng mga Kapuso star na sina Kris Bernal, Kevin Sagra, at Benjamin Alves ngayong Sabado ng hapon, 3:16 p.m., September 8.


Lumipad kaninang umaga sa Davao City sina Kris, Kevin, at Benjamin dahil sila ang special guests sa Heart Forum ng Kapuso Foundation ng GMA-7 na ginanap sa second level ng The Royal Mandaya Hotel.

Continue reading below ↓

Inimbitahan ang tatlo sa naturang event para magsalita tungkol sa heart health.


Matinding hilo ang naramdaman ni Benjamin, samantalang hindi naman nakitaan ng takot si Kris sa nangyari dahil composed na composed pa rin siya.

Hindi nag-panic ang ibang mga kasali at bisita sa forum, pero kinabahan sila dahil ramdam na ramdam nila ang pag-uga ng building na sinabayan ng malakas na ingay na nilikha ng mga naggalawang chandelier.

Continue reading below ↓


Hindi umalis mula sa kanilang mga kinauupuan ang lahat ng kalahok, hinintay nilang matapos ang paggalaw ng paligid bago ipinagpatuloy ang forum.

Iniwasan naman ng iba na gumamit ng elevator dahil sa mga aftershock na puwedeng maganap.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results