Ai-Ai delas Alas, patuloy ang tradisyong pamisa at charity work sa kaarawan ni Mama Mary

by Jojo Gabinete
Sep 8, 2018

Naging panata at tradisyon na ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas ang magdaos ng Thanksgiving Mass tuwing September 8, ang kaarawan ni Blessed Virgin Mary.


Kaninang umaga, hindi lamang misa ng pasasalamat para sa kaarawan ng Mahal na Ina ang naganap sa covered court ng BF Homes sa Quezon City dahil pinaligaya rin ni Ai-Ai ang mahigit sa 100 na bata na mula sa mahihirap na pamilya, kasama ang kanilang mga magulang at kamag-anak.

Continue reading below ↓


Active member si Ai-Ai ng Legion of Mary, Quezon City Chapter at ang mga kasamahan niya sa organisasyon ang tumulong sa kanya para mapagtipun-tipon ang mga bata at ang pamilya nilang kapus-palad.


Continue reading below ↓

Ang mga kababayan nating less fortunate ang special guests ni Ai-Ai sa birthday celebration ni Blessed Virgin Mary.

Tumanggap ang mga bata ng mga bag at school supplies, samantalang mga bag na puno ng iba’t ibang klaseng pagkain at de lata naman ang tinanggap ng mga matatandang kasama nila habang tumutugtog ang mga Christmas song.


Continue reading below ↓

Lubos ang pasasalamat ng mga invited guest ni Ai-Ai dahil sa pagpapahalagang ibinigay sa kanila ng Comedy Queen.

Ayon kay Ai-Ai, gusto niyang maging makabuluhan ang pagdiriwang nila ng kanyang pamilya sa araw ng pagsilang ng ina ni Jesus Christ, at wala nang hihigit pa sa pagbabahagi sa mga nangangailangan ng mga biyayang ipinagkakaloob sa kanila ng Panginoon.


Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Ai-Ai delas Alas
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story β†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results