Netizens hinanapan ng showbiz connection si Senator Antonio Trillanes

by Jojo Gabinete
Sep 8, 2018

Nagkaroon ng kulay showbiz ang mainit na isyu tungkol sa nakaamba na pag-aresto kay Senator Antonio Trillanes IV dahil kumbaga sa pelikula, nagkaroon ng cameo role ang action superstar na si Robin Padilla na isa sa mga kritiko ng kontrobersiyal na senador.

Nakatikim si Robin ng mga batikos dahil sa mga pahayag niya laban kay Trillanes, pero kahit nanahimik na siya, nakahanap pa rin ang detractors ng senador ng koneksiyon sa showbiz ng kanyang mga pinagdaraanang pagsubok.

Nang dalawin si Trillanes sa Senado ng mga madre at nakunan siya ng litrato na hawak ang imahe ni Blessed Virgin Mother Mary, ang convicted rapist, murderer, at tukayo niya na si Antonio Sanchez ang naalala ng kanyang mga kritiko.

Continue reading below ↓

Si Sanchez ang former mayor ng Calauan, Laguna, na hinatulan ng double life term na pinagtibay ng Korte Suprema noong August 29, 1999 dahil sa panggagahasa at pagpatay niya sa UP student na si Eileen Sarmenta. Ipinapatay rin ni Sanchez sa mga tauhan niya si Allan Gomez, ang kaibigan ni Sarmenta na kasama nito nang kidnapin sa UP Los Banos noong June 1993.

Kinukutya ng publiko, hindi lamang ang krimen na ibinintang kay Sanchez dahil pinagtatawanan din ang kanyang weird hairstyle at kinokondena ang pagdadala at panggagamit niya sa imahe ni Blessed Virgin Mother Mary para patunayan na inosente siya.

Malakas ang impact sa publiko ng litrato ni Sanchez na may karga na imahe ng Mahal na Ina na muling naungkat dahil sa pagkalat sa Internet ng larawan ni Trillanes na may hawak din na statue ni Blessed Virgin Mother Mary habang nagtatago sa loob ng Senado para hindi siya madakip.

Continue reading below ↓

Ang karumal-dumal na sinapit nina Gomez at Sarmenta ang isa sa mga pinakamalaki at pinag-usapan na balita noong 1993.

Dahil putok na putok noon ang Sarmenta-Gomez murder case, naging maagap ang movie producer at direktor na si Carlo Caparas.

Agad na nag-produce si Caparas ng pelikula, ang Humanda Ka Mayor!: Bahala na Ang Diyos, ang 1993 movie na pinagbidahan nina Kris Aquino at Aga Muhlach.


Continue reading below ↓

Ipinalabas sa mga sinehan noong November 15, 1993, ang pelikula na inspired ng mga tunay na pangyayari at binigyan ng R18 classification ng MTRCB dahil sa mga maseselan na eksena.

Si Dick Israel ang gumanap na ruthless mayor at dahil mahusay na character actor, kopyang-kopya niya ang kilos, pananalita, at ang weird hairstyle ni Sanchez na hanggang ngayon, nakakulong pa rin sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City at naninindigan na walang kinalaman sa kasalanan na ibinibintang sa kanya.


Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Mayor Antonio Sanchez
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results