Patricia Javier nanalong Mrs. Universe Philippines Finest Woman 2019

by Jojo Gabinete
Sep 9, 2018

Ang sexy actress na si Patricia Javier ang nanalo ng Mrs. Universe Philippines Finest Woman 2019 crown sa grand coronation night na ginanap kagabi sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Maligayang-maligaya si Patricia sa panalo nito dahil makakatulong ang beauty title niya para lalong maisulong nila ng kanyang chiropractor husband na si Dr. Rob Walcher ang kanilang health, beauty, and wellness advocacy.

Aminado si Patricia na kabadong-kabado siya mula umpisa hanggang sa announcement ng winners ng beauty contest with a purpose na sinalihan niya.

Continue reading below ↓
 IMAGE courtesy of Patricia Javier

Ang tagumpay ni Patricia sa Mrs. Universe Philippines Finest Woman ang katuparan ng pangarap niya, 20-years ago, na maging beauty queen kaya sumali siya sa Bb. Pilipinas 1998, gamit ang kanyang tunay na pangalan na Genesis Canlapan.

Hindi man siya nagwagi, ang pagsali ni Patricia sa Bb. Pilipinas ang naging instrumento para muling makabalik sa showbiz.

Si Patricia ang official representative ng Pilipinas sa Mrs. Universe international pageant sa susunod na taon.

On the other hand, si Beau Singson ang official delegate ng ating bansa sa Mrs. Universe International 2018 na magaganap sa Cebu City sa December 11, at lalahukan ng 90 delegates mula sa iba't ibang bansa.

Continue reading below ↓
 IMAGE courtesy of Patricia Javier

Inihayag kagabi, September 8, sa coronation ng Mrs. Universe Philippines Finest Woman 2019 ang pagpili kay Singson bilang kinatawan ng Pilipinas sa international edition ng Mrs. Universe 2018.

Si Marilou Tolico-Villanueva ng Philippine Honorable Queens ang organizer ng Mrs. Universe Philippines Finest Woman.

Former beauty queen din si Villanueva na number one supporter ng women empowerment kaya ginagawa niya ang lahat para maipakilala sa buong mundo ang empowered women ng Pilipinas na host country ng international edition ng Mrs. Universe sa December 2018.

Incidentally, tungkol din sa women empowerment ang Limitless: Empowered Women, Empower Women, ang all-female 12th anniversary concert ng Outbox Media Powerhouse Corporation, ang events company ni Rossel Taberna, ang asawa ng broadcast journalist na si Anthony "Ka Tunying" Taberna.

Sina Kyla, Radha, Liezel Garcia, Jayda Avanzado, at Angeline Quinto ang featured performers sa Limitless, at may special participation sina Zoey at Helga, ang young daughters nina Rossel at Ka Tunying.

Continue reading below ↓

Iba-iba ang personalidad nina Kyla, Radha, Jayda, Liezel at Angeline pero pare-pareho na hindi matatawaran ang husay nila sa pagkanta.

Si Angeline pa rin ang pinaka-popular sa Limitless artists, base sa reaksyon ng audience na nanood ng benefit concert na naganap noong Biyernes, September 7, sa Metrotent Convention Center, Pasig City.

Continue reading below ↓

Kahit revival ang mga theme song ng mga teleserye ng ABS-CBN na pinasikat niya, mainit ang pagtanggap kay Angeline ng manonood dahil nakaka-relate sila sa kanyang mga kinanta na mga composition ng multi-awarded musician na si George Canseco. Malaking tulong din sa popularity ni Angeline ang regular exposure niya sa mga programa ng ABS-CBN, ang ASAP at I Can See Your Voice.

Read Next
Read More Stories About
Patricia Javier
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results