Award-winning child actress Rhed Bustamante, gustong magbalik-showbiz

by Jojo Gabinete
Sep 9, 2018

Si Coco Martin ang isa sa mga puwedeng-puwedeng tumulong sa award-winning child actress na si Rhed Bustamante na hirap ngayon sa buhay at nangangarap na muling makabalik sa showbiz.

Kilala si Coco sa pagtulong sa mga kapwa niya artista na hindi na nabibigyan ng pagkakataong lumabas sa telebisyon at pelikula.

Ang kuwento ng buhay ni Rhed sa kasalukuyan ang napanood ngayong gabi sa episode ng Rated K ni Korina Sanchez sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓
 IMAGE Screen capture from Rated K / ABS-CBN

Si Rhed ang bunso sa tatlong magkakapatid, may sakit sa baga ang kanyang ama na mekaniko, hirap sila sa pagbabayad ng renta sa bahay at napuputulan ng kuryente kaya tumutulong siya sa nanay niya sa pagtitinda ng kape at tinapay sa tabi ng riles ng tren.

Bukod sa mahirap na pamumuhay, nadiskubre ni Korina na may pambihirang sakit ang 11-year old child actress, ang Icontinentia Pigmenti (a genetic dermatological disorder affecting the skin, hair, teeth and central nervous system) kaya dinala si Red ng kanyang staff sa isang dermatologist para ipagamot.

“Minsan po, hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko para makatulong po ako sa pamilya ko po,” ang sabi ni Rhed kay Korina.

Masidhi ang pangarap ni Rhed na makabalik sa showbiz dahil ito ang nakikita niyang oportunidad para makaraos sa hirap ang kanyang pamilya, kasama ang pangako kay Korina na magtatapos siya ng pag-aaral.

Nakakalungkot isipin na bunsong anak si Rhed pero siya ang breadwinner ng pamilya noong sunud-sunod ang kanyang mga television at movie assignment.

Continue reading below ↓

Nakapanlulumo ang kuwento na ipinarating sa Cabinet Files ng isang saksi noong 8-years old pa lamang si Rhed.

“At the age of 8, may menstruation na siya. Malaki na ang boobs niya noon kaya nilalagyan ng plaster ang area ng boobs niya para bata pa rin siya na tingnan.

“Siya kasi ang nagtatrabaho para sa pamilya niya at nagbabayad ng upa sa bahay, ayon sa lola niya,” kuwento ng Cabinet Files source.

Base sa mga impormasyong natanggap ng Cabinet Files, malinaw na exploitation victim si Rhed ng sariling pamilya.

Hindi niya naipon at napakinabangan ang lahat ng kanyang mga kinita noong active pa siya sa showbiz.

Para sa Cabinet Files, exploited din ang pobreng bata nang kunan ang sex scene ng kanyang mga co-star sa isang controversial movie.

Totally naked ang aktres at ang aktor na kapareha nito habang nanonood si Rhed sa sex scene nila.

Present din sa set ang nanay ni Rhed nang kunan ang strictly for adults only scene pero walang pagtutol na narinig mula sa kanya.

Continue reading below ↓

Trivia: Malaki ang naitulong ng pumanaw na direktor na si Wenn Deramas sa acting career ni Rhed dahil isinama niya ang child actress sa kanyang mga movie at television project noon—ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy, Maria Leonora Teresa, The Amazing Praybeyt Benjamin, at nagbida pa siya sa afternoon drama series na Flordeliza.

Continue reading below ↓

Pero sa dami ng mga television project ni Rhed noon, napunta sa wala ang lahat ng mga pinaghirapan niya.

Ang Seklusyon, ang official entry sa 42nd Metro Manila Film Festival noong 2016 ang huling pelikula na ginawa ni Rhed.

Dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Seklusyon, nagkaroon ng Best Actress nomination ang then nine year-old child actress.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results