Fight scenes sa Ika-5 Utos, ibang-iba sa fight scenes ng Ika-6 Na Utos

by Jojo Gabinete
Sep 10, 2018

Pisikal na nagsasakitan ang lahat ng mga karakter sa trailer ng Ika-5 Utos, ang drama series ng GMA-7 na magsisimula ngayong hapon, September 10.

Kaya nag-aalala ang televiewers na baka sagana sa violence ang bagong project sa Kapuso Network ng multi-awarded actress at director na si Laurice Guillen.


Continue reading below ↓

Walang dapat ikabahala ang manonood dahil maayos ang paliwanag ni Laurice sa kuwento ng kanyang bagong programa na tumatalakay sa fraternity hazing.

"Actually, yung hazing is the main issue, pero bago 'yan, there are two other deaths also na nangyari leading up to that.

"Yung una, out of neglect. Yung pangalawa, out of passion, crime of passion.

"The third one is my intent talaga sa hazing.

"Kung ano yung nasa script, ginagawa ko.

"If you’re talking about, let’s say the fight scenes, we’ve done the scenes, motivated naman lahat at as realistic as possible.

"So far, wala pa naman style ng fight scenes na campy, walang ganoon.

"This is a little bit more mabigat ang tema," sabi ng direktor na Ika-5 Utos.

Nilinaw rin ni Laurice na ibang-iba ang mga fight scene sa Ika-5 Utos at sa highly-successful na Ika-6 Na Utos, na siya rin ang direktor.

"Yung violence sa Ika-6 Na Utos, it’s because of the theme of infidelity.

Continue reading below ↓

"You have the wife and you have the mistress.

"So every time na magkita talaga, ang wife and mistress, magkakaroon talaga ng away."

Postscript: Sina Jean Garcia, Gelli de Belen, Valerie Concepcion, Antonio Aquitania, at Tonton Gutierrez ang mga bida sa Ika-5 Utos.

Puring-puri si Laurice ng mga artista niya sa Ika-5 Utos.

"Bigatin na direktor" at "very passionate" sa kanyang mga ginagawa ang ilan sa kind words para kay Laurice ng cast ng afternoon drama show ng GMA-7.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results