Ritz Azul, pitong taon naghintay bago nagkaroon ng pelikula

by Jojo Gabinete
Sep 11, 2018

Hindi makapaniwala si Ritz Azul na magugustuhan ng mga dumalo sa celebrity premiere ng The Hopeful Romantic sa Trinoma Cinema 5 kagabi, September 10, ang sex-comedy movie nila ni Pepe Herrera.


Ang matawa ang audience ng kahit dalawang beses lang sa mga eksena ng The Hopeful Romantic ang tanging hiling ni Ritz.

Continue reading below ↓

Pero higit pa sa inaasahan niya ang nangyari dahil bukod sa maraming beses na nagtawanan, nagpalakpakan ang manonood nang matapos ang stress-buster na pelikula.

Pitong taon nang artista si Ritz pero ngayon lamang ito nabigyan ng pagkakataong mapanood sa silver screen, at sulit na sulit ang kanyang matagal na paghihintay dahil bidang-bida siya.

Malaki ang dapat na ipagpasalamat ni Ritz sa mga producer na sina Mother Lily at Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, Inc. dahil kahit wala pa siyang napapatunayan, ipinagkatiwala sa kanya ang lead role sa The Hopeful Romantic.

Nakatulong din kay Ritz ang paglabas nito sa mga television show ng TV5 at ABS-CBN dahil nahasa nang husto ang kanyang talent sa pag-arte, base sa natural performance na ipinakita niya sa The Hopeful Romantic.

At dahil sex-comedy ang launching movie nina Pepe at Ritz, may mga sexual connotation ang kanilang mga eksena at dialogue.

Pero Parental Guidance o PG ang classification ng MTRCB sa The Hopeful Romantic kaya puwede itong panoorin ng mga bata, basta may patnubay ng mga nakatatanda sa kanila.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results