Sino sa Abay Babes cast ang gumagastos sa boyfriend?

by Jojo Gabinete
Sep 11, 2018

Poker-faced sina Cristine Reyes, Kylie Verzosa, Roxanne Barcelo, Meg Imperial, at Nathalie Hart sa grand presscon ng Abay Babes nang magsalita ang direktor nilang si Don Cuaresma tungkol sa mga ugali ng limang aktres na nadiskubre niya habang ginagawa nila ang pelikula.


(L-R) Don Cuaresma, Kylie Verzosa, Nathalie Hart, Meg Imperial, Cristine Reyes, and Roxanne Barcelo

Continue reading below ↓

"Sobrang gaganda, ang seseksi, at ang tatalino nila pero may isang babae sa kanila na gumagastos sa boyfriend.

"Sa gaganda nila, nagagamit pa rin sila ng mga lalaki, so sabi ko, ano pa ang irereklamo namin [gays], di ba?" ang rebelasyon ni Don.

Hindi direktang tinukoy ng direktor kung sino sa limang bida ng Abay Babes ang nagamit ng karelasyon.

Kanya-kanya ng hula ang entertainment writers na dumalo sa presscon ng sexy comedy movie ng Viva Films tungkol sa subject ng intriguing blind item ni Don.

May mga nagmasid na mabuti sa reaksiyon nina Kylie, Roxanne, Nathalie, Meg, at Cristine pero nabigong makakuha ng hint dahil emotionless ang mukha nila.

Hindi na kami nag-aksaya ng panahon na hulaan ang identity na aktres na bida sa blind item ni Don dahil kilalang-kilala namin siya.

In fairness sa aktres, nagising na siya sa katotohanan.

Bukod sa napagod ang bulsa, mas napagod ang kanyang puso kaya tinuldukan na niya ang mga kahibangan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results