Bryan Revilla, nagbago ang buhay mula nang makulong ang amang si Bong Revilla

by Jojo Gabinete
Sep 11, 2018

"Freedom" ang birthday wish ni Bryan Revilla para sa kanyang ama na si former Senator Bong Revilla Jr., na magdiriwang ng 52nd birthday sa September 25, 2018.

 IMAGE Jojo Gabinete

Si Bryan ang panganay na anak nina Bong at Bacoor City Mayor Lani Revilla.

Ipinagtapat niyang malaki ang ipinagbago ng buhay nila mula nang makulong ang kanyang ama noong June 2014 sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Continue reading below ↓

"It changed my whole life," sabi ni Bryan tungkol sa pagsubok na pinagdaanan at patuloy na pinagdaraanan ng pamilya niya.

"It’s been four years already. Yung process na yun, it was tough but you have to do what you have to do in order to survive, and that’s something that I’ve learned.

"I am just happy that with regards in that dark times, our family is stronger.

"Our faith’s stronger. Our relationship with God is stronger.

"I missed yung Sunday na magkakasama kami na hindi sa loob ng Crame kundi sa loob ng bahay.

"Going to to dinner, as in buo yung family, that’s one luxury that I don’t have for four years.

"I was deprived of that, yung magkakasama kami na kakain sa labas, manonood ng sine na magkakasama, bakasyon kayo na kasama ang buong pamilya.

"That’s something that I was deprived of, and it’s sad.

"Yung normal para sa ibang tao, for us it’s not normal. Iba yung normal namin.

Continue reading below ↓

"It’s tough but it is what it is," pahayag ni Bryan, na nabahiran ng lungkot ang mukha nang mapag-usapan ang kasalukuyang sitwasyon ng tatay niya.

Si Bong ang may idea na muling maging active sa paggawa ng pelikula ang family-owned Imus Productions at siya rin ang nakaisip na magbida sa Tres ang kanyang mga anak na sina Bryan, Jolo, at Luigi.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jolo Revilla Instagram

Ang television series na Kamandag ng GMA-7 at ang Resiklo ang mga huling project ni Bryan noong 2007.

Hindi itinanggi ng 31-year-old actor na "kinalawang" na ang talent niya sa pag-arte dahil sampung taon na ang nakalilipas mula nang magpahinga siya sa showbiz.

Si Bryan ang bida sa "Virgo," isa sa mga episode ng Tres, ang comeback trilogy movie ng Imus Productions.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results