Marian Rivera, pahinga muna sa paggawa ng teleserye hanggang matapos ang 2018

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2018

May sakit si Ai-Ai delas Alas kaya sina Marian Rivera, Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Super Tekla, at Donita Nose lang ang nakadalo sa presscon ng GMA Network, Inc. ngayong umaga, September 12, para sa Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim.

Ang Paskuhan at Kantawanan ang early Christmas treat ng GMA Pinoy TV para sa mga Pilipino sa North America na magaganap sa The Grove of Anaheim sa October 7, 2018.

Excited si Marian sa nalalapit na show nila sa Anaheim dahil makakasama niya muli sina Ai-Ai, Julie Anne, at Christian.

Nangako si Marian na kumpletong kasiyahan ang dadalhin nila sa mga kababayan natin sa California.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Dahil bihirang makausap si Marian ng entertainment writers, tinanong na rin siya sa presscon ng Paskuhan at Kantawanan tungkol sa susunod na television series na gagawin niya sa Kapuso Network.

"May usapan kasi kami ng GMA heads at ng asawa ko na kapag may trabaho ang isa, hindi magtatrabaho ang isa para sa anak namin.

"Ang nangyari before, sabay kami ni Dong, naawa ako sa anak ko. Parang walang nag-aalaga.

"Although nandiyan ang mama ko, ang mommy ni Dong pero iba pa rin kapag nandito kami para sa kanya.

"Kasi ako, lumaki sa lola, na ayokong mangyari sa anak ko.

"Sabi ko kay Dong, 'Mag-decide tayo na kapag may trabaho ang isa, hindi magtatrabaho ang isa.'

"Nagkasundo kami nang ganoon.

"E, may offer sa akin ang GMA, may offer din sa kanya.

"Siya yung lalaki, siya yung magtrabaho, so siya na muna.

"After niyan, next year, ako naman," paliwanag ni Marian tungkol sa pasya niya na magpahinga muna sa paggawa ng teleserye sa huling mga buwan ng 2018.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results