Paolo Ballesteros, may bago nang career bilang fashion designer

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2018

Halakhak ang reaksiyon ni Paolo Ballesteros sa biro na siya na ang bagong Pitoy Moreno at next Fashion Czar ng Asia dahil fashion designer na rin siya.

 IMAGE Noel Orsal

Bukod sa title na "King of Make Up Transformation" ng Pilipinas, si Paolo ang designer ng Philippine flag-inspired terno na ginamit ni Agatha Lei Romero sa Terno Competition ng 50th Mutya ng Pilipinas na naganap sa Ascott Bonifacio Global City kagabi, September 12.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat si Paolo sa mga pumuri sa Filipiniana gown na ginawa niya para kay Romero, na representative ng Metro Manila sa 50th edition ng Mutya ng Pilipinas.

Nang tanungin tungkol sa ibang inspirasyon niya sa disenyo ng gown ni Romero, sumagot si Paolo ng "Sabi kasi dapat may konek sa place na nire-represent.

"Mutya ng Metro Manila si Agatha so traditional terno ang ginawa ko.

"Modernization and unity na kahit anong crisis ang harapin ng gobyerno, we will stand tall as one nation, under one flag.Ganern," description ni Paolo sa terno ni Romero.

Trivia: Certified contesera si Romero dahil bago siya sumali sa Mutya ng Pilipinas 2018, naging kandidata siya ng Miss Manila 2018, Bb.Pilipinas 2018 at Miss Casino Filipino 2014.

Kung hindi papalarin si Romero na manalo sa 50th Mutya ng Pilipinas, may tsansa na muli siyang bihisan ni Paolo sa susunod na beauty pageant na lalahukan niya.

Sinuportahan at ipinangampanya ni Paolo ang pagsali ni Romero sa Binibining Pilipinas 2018 noong March.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results