Bagyong Ompong, makaapekto kaya sa mga pelikulang magbubukas ngayong araw?

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2018

Kung hindi man lumihis, ang humina si Super Typhoon Ompong ang dasal at hiling ng mga movie producer na may mga pelikulang mapapanood sa mga sinehan.

Ang The Hopeful Romantic ng Regal Entertainment Inc., ang Wander Bra, at ang official entries sa 3rd ToFarm Film Festival ang Tagalog movies na sabay-sabay na nagbukas sa mga sinehan ngayong araw, September 12.

Continue reading below ↓
The Hopeful Romantic cast
 IMAGE Jojo Gabinete

Extended naman ang showing ng The Hows of Us, Goyo: Ang Batang Heneral, at ng horror movie na The Nun dahil patuloy na pinipilahan sa box office.

Ang Regal Entertainment, Inc. producer na si Roselle Monteverde ang isa sa mga umaasa na hindi makakaapekto si Typhoon Ompong sa The Hopeful Romantic, ang launching comedy movie nina Pepe Herrera at Ritz Azul, na positive ang reviews dahil entertaining ang pelikula.

Hindi lamang ang mga eksena nina Pepe at Ritz ang nakakatawa dahil riot din ang mga eksena nina Bodjie Pascua at Beverly Salviejo, na gumanap na mga magulang ni Pepe sa The Hopeful Romantic.

Naughty ang mga eksena nina Bodjie at Beverly, pero para kay Pepe, isa iyon sa mga paborito niya dahil kapupulutan ng mga aral.

By the way, sinuportahan ni Kakai Bautista ang celebrity premiere ng The Hopeful Romantic noong Lunes, September 10, kahit box-office rival ito ng pelikula na pinagbibidahan niya, ang Wander Bra.

Continue reading below ↓

Nang lumapit si Kakai kay Roselle Monteverde para magbigay-pugay, very gracious na nag-wish sa kanya ng "good
luck" ang producer ng The Hopeful Romantic.

Postscript: Ang A.X.L. at The Predator ang dalawa sa foreign movies na makikipagsalpukan ngayon sa Tagalog movies.

Tungkol sa top-secret robotic dog na may advanced artificial intelligence na nilikha ng military ang kuwento ng A.X.L., na inspirasyon ng seven-minute short film na Miles.

Continue reading below ↓

Attack, Exploration, Logistics ang kahulugan ng A.X.L.

Tulad ng A.X.L.,science fiction action film din ang The Predator, na may budget na US$88 million at nauna na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas dahil sa September 14 pa ang opening day ng pelikula sa Amerika.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results