RS Francisco, walang takot na nag-frontal nudity ulit sa restaging ng M. Butterfly

by Jojo Gabinete
Sep 13, 2018

Standing ovation ang tinanggap ni RS Francisco at ng cast ng M. Butterfly sa press preview na ginanap sa Maybank Performing Arts Theater, Bonifacio Global City, kagabi, September 12.


Napaluha si RS sa sobrang tuwa dahil sa mainit na pagtanggap ng manonood sa stageplay na pinagbidahan din niya noong 18 years old pa lamang siya, 26 taon na ang nakalilipas.

Continue reading below ↓

Definitely, higit na malalim ang pagbibigay-buhay ni RS sa katauhan ni Song Liling sa 2018 version ng M. Butterfly dahil sa mga karanasan na pinagdaanan niya sa tunay na buhay mula noong 1992 hanggang sa kasalukuyan.


Bilang Chinese opera singer na nagpanggap na babae, isang espiya at nakipagrelasyon sa isang French diplomat na nagpasa sa kanya ng mga sikreto ng French government, iba’t ibang klase ng emosyon ang ipinamalas ni RS, with flying colors.

Continue reading below ↓

May mga adlib si RS na hit na hit sa audience na hindi namalayan na tatlong oras na tumagal ang stageplay na base sa mga tunay na pangyayari.

Ang French actor na si Olivier Borten ang gumanap na Rene Gallimard, ang French diplomat lover ni Song Liling.

Gaya ni RS, mahusay ang pagganap ni Olivier na nakakabilib dahil memoryado niya ang kanyang kilo-kilometrong linya mula simula hanggang katapusan ng palabas.


Continue reading below ↓

Gaya ni RS, mahusay ang pagganap ni Olivier na nakakabilib dahil memoryado niya ang kanyang kilo-kilometrong linya mula simula hanggang katapusan ng palabas.

Matindi rin ang suporta na tinanggap nina RS at Olivier mula sa kanilang co-stars na sina Pinky Amador, Mayen Estanero, Maya Encila, Rica Nepomuceno, at Lee O’Brian na higit na kilala bilang real-life partner ng comedienne na si Pokwang.

Nang unang gampanan ni RS ang role ni Song Liling sa M. Butterfly na produksyon ng Dulaang UP noong 1992, umani siya ng mga papuri, matagal na pinag-usapan ang stageplay na pinagbidahan niya, at naging kontrobersiyal ang kanyang pagpayag gawin ang frontal nudity scene.

Fast forward to 2018. Walang takot na inulit ni RS sa ang frontal nudity scene nito sa M. Butterfly at nakuha niya muli ang paghanga at respeto ng manonood dahil sa kanyang pagmamahal sa propesyon at entablado.

Dalawampung beses na itatanghal ang M. Butterfly sa Maybank Performing Arts Theater, mula September 14 hanggang September 30.

Continue reading below ↓

Sa bawat pagtatanghal ng M. Butterfly, iba’t ibang organisasyon ang beneficiary dahil sa Pay It Forward advocacy ni RS.

Ang Love Yourself Inc., 1Meal Program, Habitat for Humanity, Hope 4 Change, Teach for the Philippines, Love Is All We Need, Philippine High School for the Arts, at Trip to Quiapo Workshops ang ilan sa mga beneficiary ng M. Butterfly.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, rs francisco
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results