Popular actress, buntis na pero ayaw pang mag-announce

by Jojo Gabinete
Sep 13, 2018

Hihintayin na lamang namin ang official statement ng isang popular actress tungkol sa balitang buntis ito dahil siya lamang ang puwedeng makapagkumpirma sa katotohanan.

Reportedly, gusto ng aktres na makatiyak sa kanyang tunay na kalagayan bago niya aminin sa publiko ang good news at ang panibagong biyaya na natanggap nila ng kanyang asawa mula sa Itaas.

Continue reading below ↓

Diumano, iniiwasan ng aktres na mangyari sa kanya ang naranasan ng isang showbiz personality na ibinalita agad ang pagbubuntis pero nakunan.

Sa isang recent showbiz event, tinanong ang aktres tungkol sa isang project na dapat gagawin niya ngayong 2018 pero hindi matutuloy.

Isang matamis at makahulugang ngiti ang pinakawalan ng aktres.

Pero iba ang dahilan na sinabi niya at walang binanggit tungkol sa mga speculation na buntis siya kaya lalong nadagdagan ang mga pagdududa na totoo ang balita.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results