Maricris Garcia, nahirapang makahanap ng hugot sa kantang "Wag Kang Papatay"

by Jojo Gabinete
Sep 13, 2018

Sina Regine Velasquez at Mark Bautista ang dalawa sa mga special guest ni Maricris Garcia sa MAR1CR1S, ang 11th anniversary at 30th birthday concert niya sa September 28 sa Teatrino Greenhills.

 IMAGE Jojo Gabinete

Naiintindihan namin ang excitement na nararamdaman ni Maricris para sa kanyang nalalapit na concert dahil 11 taon na ang singing career niya, pero ngayon lamang siya makararanas na magkaroon ng solo concert.

Continue reading below ↓

Noong 2017 ang 10th anniversary ni Maricris bilang entertainer, pero hindi siya nagplano ng concert dahil ang pag-aasikaso sa church wedding nila ng kanyang mister na si TJ Cruz noong December ang naging priority niya.

"Since this is my very first solo concert, simula noong nag-umpisa ako sa Pinoy Pop Superstar, the show will showcase my journey from the start, bago ako sumali ng Pinoy Pop Superstar, lahat ng mga pinagdaanan ko, lahat ng mga naging project, yung La Diva part, yung mga theme song part, hanggang sa present," paliwanag ni Maricris tungkol sa natagalang pagdaraos niya ng solo concert na siya rin ang producer.

Marami sa mga theme song ng teleserye ng GMA-7 ang ipinakanta kay Maricris kaya inaasahang ipaparinig niya sa kanyang concert ang memorable teleserye theme songs ng Kapuso Network.

Hindi lang sigurado ang Cabinet Files kung kasali sa repertoire ni Maricris ang "Wag Kang Papatay," ang theme song ng afternoon drama series na Ika-5 Utos na isa mga pinakamahirap na kanta na ipina-record sa kanya.

Continue reading below ↓

"At first, sabi ko, 'Paano ko ito gagawin?'

"Usually, yung mga theme song na inire-record ko is about heartbreak or family or love, so madaling ilabas yung emotion.

"'Tapos ito, tungkol sa ‘wag kang papatay? Mabigat siya!

"Sabi ko, 'Saan ako huhugot galing dun?'

"Kahit basahin ko nang paulit-ulit, 'huwag kang papatay.' Shocks, paano ba ‘to?!

"But good thing, si Sir Tata Betita, yung gumawa ng kanta and meron akong vocal coach, sila yung mga nagsabi sa akin ng dapat gawin, ng dapat isipin. 'Ganito yung feel...'

"Kaya nakakatuwa rin na may mga nagsasabi sa akin na natuwa sila sa kanta, nagustuhan nila!" ang natatawang anecdote ni Maricris tungkol sa "Wag Kang Papatay" na malakas ang last-song syndrome.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Ika-5 Utos
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results