Miss World Philippines 2018 candidate, suportado ang pagsali ng trans women sa beauty pageants

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2018

Official candidate sa Miss World Philippines 2018 ang 25-year-old stunner na si Monique Cuyugan Tuzon.

Si Monique ang pang-apat sa 40 official candidates ng Miss World Philippines 2018 na may television career dahil sports reporter at producer siya ng Solar Channel.

Kasali rin sa 2018 edition ng beauty pageant ang mga television personality sina Katarina Rodriguez, Chanel Morales, at Alyssa Muhlach Alvarez.

Continue reading below ↓
 IMAGE Instagram

Bukod sa sports reporter ng Solar Channel, nasa dugo ni Monique ang pag-aartista dahil lola niya ang aktres at soprano singer na si Fides Cuyugan-Asensio, na nag-train sa kanya sa classical singing nang sumali siya at manalo sa Miss Asia Carolinas 2012 na ginanap sa North Carolina, USA.

Right now, on leave si Monique sa trabaho niya sa Solar dahil naghahanda na siya sa grand coronation ng Miss World Philippines 2018 sa Mall of Asia Arena sa October 7, 2018.

Thankful at grateful si Monique sa management at sa mga kasamahan niya sa Solar dahil full support sila sa kanyang Miss World Philippines bid.

Nang tanungin tungkol sa isyu pagsali ng trans women sa mga beauty contest tulad ng Miss World at Miss Universe, sinabi ni Monique na wala siyang nakikitang masama dahil suportado niya ang LGBTQ community at ang same-sex marriage.

Sabi ni Monique, "My tito, he’s actually my best friend and I lived with him, he’s gay, and two of my sisters back home are gay.

Continue reading below ↓

"Two of my aunts are also gay back home and they just recently got married in Washington D.C. when they legalized it.

"Most of my friends are bakla din.

"It makes me sad, my tito, he’s recently just got married to his partner, ceremonial lang here sa Philippines.

"And I see na sa legal aspect, they don’t get benefits. They cannot adopt a child."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results