Inday Will Always Love You, tumaas ang rating dahil kay Willie Revillame

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2018

Masaya ang mga artista at production staff ng Inday Will Always Love You dahil nagtala ng mataas na rating ang kanilang primetime show sa GMA-7 kagabi, September 13.

Tanggap ng stars at crew ng Inday Will Always Love You na big factor ang special participation ni Willie Revillame sa mataas na rating ng programa nila.

As himself ang role ni Willie bilang host ng game show na Wowowin at contestants ng "Hep Hep Hooray" segment ang mga karakter nina Gladys Reyes at Barbie Forteza sa Inday Will Always Love You.

Continue reading below ↓
Willie Revillame in Inday Will Always Love You
 IMAGE Screen grab from GMA-7

Marami ang naaliw sa episode, halata na natatawa talaga at hindi scripted ang performance ni Willie na tuwang-tuwa sa mga eksena nina Nova Villa, Gladys, Barbie, at Christopher Roxas.

Mula nang lumipat si Willie sa GMA-7, sa Wowowin lamang siya napapanood kaya may mga nagtaka dahil nakumbinsi ang popular game show host na lumabas sa Inday Will Always Love.

Ayon sa isang insider, matagal na nakipag-meeting kay Willie ang mga executive ng programa bago natuloy ang taping sa mismong studio ng Wowowin.

Araw ng Sabado nang kunan ang mga eksena at para walang conflict sa schedule, isinabay ito sa regular taping ng game show ni Willie.

May mga nakapansing nawala si Barbie sa isang eksena ng Inday Will Always Love You dahil ipinatawag na siya sa Sunday Pinasaya na tuwing Sabado rin ang rehearsal.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results