Edu Manzano, nagpa-lechon sa taping ng Ang Probinsyano sa birthday niya

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2018

Evil personified si Vice President Lucas Cabrera at ang karakter niya ang kinamumuhian ng viewers ng FPJ's Ang Probinsyano ng ABS-CBN dahil siya ang nagplano ng assassination kay President Oscar Hidalgo at sa pamilya nito.

Si Edu Manzano ang gumaganap na ruthless vice president ng Pilipinas.

Pero kahit effective siyang kontrabida sa prime-time show ni Coco Martin, hindi magawa ng televiewers na magalit sa kanya.

Continue reading below ↓

Ngayon, September 14, ang kaarawan ni Edu at working birthday ito para sa kanya kahit nagbabadya si Super Typhoon Ompong dahil nag-taping siya para sa mga eksena niya sa Ang Probinsyano.

May tatlong units ang action prime-time television series ni Coco at nakatanggap ang bawat units ng lechon mula kay Edu kaya may pa-lechon si bise ang biruan sa set.

Continue reading below ↓

Ramdam na ramdam ng co-stars at production staff ng Ang Probinsyano kapag wala si Edu dahil siya ang stress reliever ng lahat bilang mahirap pantayan at lampasan ang wit at humor niya.

Bukod sa life of the party, si Edu ang fitspiration ng mga co-actor niya dahil sa edad na 63, physically fit at marunong siyang mag-alaga sa sarili kaya marami ang hindi makapaniwalang senior citizen na ang aktor na apat na dekada na sa susunod na taon ang showbiz career.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results