Mga Sang'gre ng Encantadia, papasok sa Victor Magtanggol

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2018

Ang pagpasok sa Victor Magtanggol ng apat na Sang'gre ng Encantadia ang inaabangan ng loyal viewers ng mga programa ng GMA 7.

Ang shadow ni Pirena at ang theme music ng Encantadia na ipinakita ngayong gabi sa tail-end teaser ng prime-time show ni Alden Richards sa Kapuso Network ang kumpirmasyon na mapapanood sa mga susunod na episodes ng Victor Magtanggol sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Kylie Padilla.

Continue reading below ↓

Nagbigay rin ng hint si Glaiza tungkol sa nalalapit na reunion nila nina Gabbi, Kylie, at Sanya sa kanyang Instagram post ngayong hapon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ang mga karakter ng Encantadia sa mga telefantasya ng GMA-7 dahil noong nakaraang taon, special guests din sa Mulawin vs Ravena ang Encantadia characters nina Glaiza at Mikee Quintos.

Si Dominic Zapata ang direktor ng Victor Magtanggol at siya rin ang direktor ng Mulawin vs Ravena.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story β†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results