Basti Artadi, kasama sa comeback movie ni Bryan Revilla

by Jojo Gabinete
Sep 15, 2018

Kasama sa cast ng Virgo episode ng Tres ang Wolfgang vocalist na si Basti Artadi.

Isang mabait na PDEA agent ang role ni Basti sa comeback movie ng aktor na si Bryan Revilla.

Ang Virgo director na si Richard Somes ang nagsabi kay Bryan na isali nila sa cast si Basti na headline ng mga balita noong 2016 dahil sa tumor sa kanyang ulo na naging sanhi ng pagkakaroon niya ng paralysis.

Continue reading below ↓

"In 2009, I was diagnosed with a tumor in my head.

''This tumor is on the nerves that control the right side of my face which is what is causing the paralysis.

"As a result, I had to relearn to sing with a paralyzed mouth and the fatigue that comes with it," ang Facebook post ni Basti, dalawang taon na ang nakalilipas.

Naranasan ni Basti na magbenta ng mga t-shirt na may illustration ng mukha niya bilang pandagdag sa gastusin para sa facial sling procedure sa kanya.

"Its just a picture of my face which I thought would be a good symbol for me getting back the lost symmetry, so no its not because I'm full of myself,” ang paliwanag noon ni Basti tungkol sa pagtitinda niya ng mga t-shirt.

"I thank God everyday because I'm lucky that this thing still left me with the ability to sing.

''What would have really sucked is if it took 100% of motion from the get go.

Continue reading below ↓

''So we move on and we do the best we can with what we have. Thanks and I'll see you around town!" ang dagdag na pahayag ni Basti tungkol sa pagsubok na matindi na pinagdaraanan niya.

Bukod sa pagbebenta ng mga t-shirt, nagbukas ng account sa GoFundMe ang kapatid ni Basti, ang 1985 Bb. Pilipinas International na si Sabrina Artadi.

Marami ang tumulong at nagbigay ng donasyon kaya sumailaim agad siya sa facial sling surgery.

Sa solo presscon ng Imus Productions para kay Bryan, ang participation ni Basti sa pelikula niya ang itinanong sa kanya ng Cabinet Files.

Ang Imus Productions ang producer ng Tres.

“Basti has been working with Direk Richard Somes.

“When Direk Richard said, ‘ Bry, isama natin si Basti sa movie,' ang sabi ko, you know what, I’ve been a fan of Wolfgang since I was a kid and it would be an honor to have him on board.

Continue reading below ↓

“He’s a very good guy, very kind. He’s very focused with his craft.

''He’s a very good actor in the movie. Isa siya sa mga kasama ko sa PDEA,” kuwento ni Bryan tungkol kay Basti na sumailalim sa successful surgery noong nakaraang taon kaya normal na uli ang hitsura niya at wala nang slur kapag nagsasalita siya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results