Derrick Monasterio at Sanya Lopez, bigay todo sa love scenes sa pelikulang Wild & Free

by Jojo Gabinete
Sep 15, 2018

Panggulat ang still photo nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez na ginamit ng Regal Entertainment Inc. para sa announcement ng launch bukas, September 16, 6 pm ng official trailer ng Wild & Free, ang sexy movie nila na ipalalabas sa cinemas nationwide sa October 10.

Nakabuka ang bibig at parang nakalabas ang dila ni Derrick na nagmistulang hayok na hayok sa paghalik kay Sanya.

Continue reading below ↓
 IMAGE Regal Entertainment Inc. PR

Patikim lang ang inilabas ng Regal Entertainment Inc. na sizzling kissing scene photo nina Derrick at Sanya dahil isang eyewitness sa shooting ng Wild & Free ang nagkuwento sa Cabinet Files na mas matitindi pa ang mga eksena na ginawa ng dalawa.

“Hot ang love scenes nina Sanya at Derrick.

“Five scenes ito—sa kotse, on top of washing machine, sa kama, sa living room at sa hotel room ng isang resort sa San Juan, La Union.

“Maraming halikan sina Derrick at Sanya. Enjoy naman sila.

“Sexy ang mga outfit ni Sanya, hunk na hunk naman si Derrick,” dagdag pa ng eyewitness na nagpatotoo na talagang naging wild at free sina Derrick at Sanya sa shooting ng launching movie nila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results