Ito ang tunay na Kiko Matos

by Jojo Gabinete
Sep 16, 2018

May mga kissing scene at love scene sina Martin del Rosario at Kiko Matos sa Born Beautiful pero hindi ito valid reason para intrigahin ang dalawa na na itinuloy nila ang eksena, base sa lumabas na blind item na obvious na sila ang mga tinutukoy.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea / Noel Orsal

Barumbado ang public perception kay Kiko pero sa tunay na buhay, mabait at malumanay siya na magsalita.

Pareho sila ni Martin na disente, edukado, at mga professional actor kaya mas marami ang naniniwala na hindi nila magagawa ang detalyado at Rated X story ng questionable blind item.

Si Perci Intalan ang producer at direktor ng Born Beautiful. Natawa na lang si Perci nang mabasa niya ang preposterous blind item, kasunod ang reaksyon na

“Sila ba ito? Parang pag nagkikita naman kami sa set, walang kuwento sa akin na ganyan.

“Napaka-professional ni Martin and nung time na yan sobrang segue ang mga shoot niya kasi may soap [Hindi Ko Kayang Iwan Ka ng GMA-7] din siya that time. Parang kahit matulog nga, walang oras yan.

“May kissing scene at love scene sila ni Kiko sa Born Beautiful pero disente naman.”

Gustung-gusto ni Perci na isali sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Born Beautiful kaya inihahanda na niya ang submission requirements.

Continue reading below ↓

Tapos na tapos na ang launching movie ni Martin at ipinagdarasal ni Perci na maging official entry sa MMFF ang Born Beautiful.

“Kung papalarin, sana makasali ang Born Beautiful sa MMFF dahil dito ipinanganak ang Die Beautiful. Mas maganda na maipalabas din sa MMFF ang Born Beautiful,” ang umaasa na sabi ni Perci.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results