Sinu-sino ang mga kahawig ni Stacey Gabriel?

by Jojo Gabinete
Sep 16, 2018

Puwedeng-puwedeng gamitin ni Stacey Gabriel ang kanyang showbiz at political connection para mapag-usapan at makilala agad siya pero tumanggi ang 21-year old stunner na unang napansin sa The Day After Valentine’s, ang romantic drama movie nina Bela Padilla at JC Santos.

View this post on Instagram

Esta bebé tiene 21 años hoy. ð??¹

A post shared by Stacey Gabriel (@staceygabriel) on

Firm ang desisyon ni Stacey na magkakaroon ito ng pangalan sa entertainment industry dahil nagtiyaga siya at naghintay sa pagdating ng tamang panahon, hindi dahil sa kanyang mga kamag-anak na kilala sa mundo ng showbiz at pulitika.

“When I somehow establish myself, until then, I don’t wanna talk about it po,” ang sabi ni Stacey tungkol sa pasya niya na matupad ang pangarap na makilala bilang mahusay na television host at aktres dahil sa sariling pagsisikap.

Maganda, matalino, at matangkad si Stacey kaya marami ang kumukumbinsi sa kanya na subukan ang kapalaran sa mga beauty contest dahil tiyak na mananalo siya pero hindi talaga kasama sa mga pangarap niya ang maging beauty queen.

Continue reading below ↓

Semi-regular noon si Stacey sa La Luna Sangre at mainstay siya sa kasalukuyan sa Ngayon at Kailanman, ang primetime television series nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa ABS-CBN.

Kahit baguhan siya sa showbiz, si Stacey ang madalas na napupuna ng televiewers dahil sa malakas na screen presence at classy personality niya.

Malaki rin ang pagkakahawig ni Stacey sa American actress and model na si Emily Ratajkowski a.k.a. Emrata.

Continue reading below ↓
 IMAGE @staceygabriel and @emrata on Instagram

“Like randomly, people would come up to me, like strangers, and say, ‘You know who you look like? Emily Ratajkowski.’

“But what I get the most, dito sa atin, noong nasa La Luna Sangre ako, the irony of it was, I was working with Richard Gutierrez every day , people would tell me I’m a mix of Angel Locsin and Sarah Lahbati.Hati raw. That’s what they said.”

Sa tuwing nagsasalita si Stacey, si Andi Eigenmann naman ang pumapasok sa isip ng mga kausap niya dahil kaboses na kaboses siya ng anak ni Jaclyn Jose.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results