Ces Drilon, tanggap na tanggap ang pagiging bisexual ng anak na si Andre

by Jojo Gabinete
Sep 17, 2018

Positive ang mga reaksiyon sa article ng The Philippine STAR tungkol sa heartwarming story ng relasyon ng broadcast journalist na si Ces Drilon at ng kanyang bisexual/cross-dresser son na si Andre.

Ces Drilon with son Andre
 IMAGE Ces Drilon Instagram

Sa article na isinulat ni Tanya Lara sa September 18 edition ng The Philippine STAR, ikinuwento niya ang "no drama coming out" ni Andre sa ina nito na isang sikat na broadcast journalist.

Continue reading below ↓

Isang simpleng "Mom, I’m bisexual" ang sinabi ni Andre kay Ces, na medyo nabigla pero sumagot lang ng
"Really? Okay…"

May girlfriend sa kasalukuyan ang 25-year-old son ni Ces na kilala bilang "Skirt Guy" dahil sa pagsusuot niya ng palda.

 IMAGE Andre Drilon Instagram

Nang tanungin siya ni Ces kung may atraksiyon siya sa kapwa lalaki, "Oo" ang sagot ni Andre.

Continue reading below ↓

Tanggap din ni Andre ang posibilidad na pagkakaroon ng same-sex sexual relationship.

 IMAGE Andre Drilon Instagram

Tanggap na tanggap ni Ces ang pagkatao ng kanyang anak.

Sa Instagram post niya noong September 8, sinabi ng award-winning broadcast journalist na, "I always say  @vrtualdump (Andre’s Instagram handle) is the daughter I never had!

Continue reading below ↓

"Then when he started to borrow some of my clothes, I have to confess I had mixed feelings.

"But I’m so proud that here is my son, breaking gender norms.

"It is a gutsy bold move that I salute."


Dahil sa kanyang rebelasyong bisexual siya, ikinukumpara si Andre kay Ian King aka Angelina Mead, ang transgender woman husband ng former VJ na si Joey Mead.

Pero malinaw na may pagkakaiba ang dalawa.

Kahit transgender woman si Ian, babae pa rin ang gusto niya kaya hindi raw gay ang kanyang sexual preference.

Ang mga kuwento nina Andre at Ian ang nagbukas sa isip ng readers na maraming klase ng pagiging gay, kaya patuloy na nadaragdagan ng letra ang acronym ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer (LGBTQ) community dahil sa paglitaw ng mga taong nagsasabi na Transgender, Bigender, at Pansgender ang mga kategorya nila.

Continue reading below ↓
Andre Drilon with Georgina Wilson and Raymond Gutierrez
 IMAGE Andre Drilon Instagram
Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Ces Drilon
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results