Gabby Concepcion, willing makipag-duet kay Sharon Cuneta kahit may tampuhan sila

by Jojo Gabinete
Sep 17, 2018

Ang i-concentrate sa Gabay Guro ang mga tanong sa kanya ang request ni Gabby Concepcion sa entertainment press na dumalo ngayong hapon, September 17, sa media launch ng Grand Gathering at 11th anniversary celebration ng Gabay Guro, na magaganap sa September 23 sa Mall of Asia.

 IMAGE Jerry Olea

Pero napilitan pa rin siyang sagutin ang inquiry ng PEP.ph section editor na si Jocelyn Dimaculangan.

Continue reading below ↓

Tungkol sa kanyang ex-wife na si Sharon Cuneta ang tanong kay Gabby ni Jocelyn, na walang nilabag sa pakiusap ng aktor dahil kasama ang aktres sa special guests sa grand gathering event ng Gabay Guro na brainchild ni Gabay Guro Chairperson Cabal- Revilla.

Public knowledge na may tampuhan ang ex-couple, pero hindi ito mararamdaman sa nakangiting sagot ni Gabby na willing itong magkaroon ng duet number kay Sharon.

Malalaman natin sa darating na Linggo kung mangyayari ang pahayag ni Gabby tungkol sa possible duet nila ni Sharon na tiyak na aabangan ng kanilang fans and supporters na hindi nawawalan ng pag-asa na matutuloy pa rin ang movie team up ng ex-couple.

Nagulat naman ang organizers ng Gabay Guro gathering dahil wala silang kaalam-alam na may isyu sa pagitan nina Gabby at Sharon.

Bukod sa ex-couple, invited performers sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Carlo Aquino at Angelica Panganiban sa Gabay Guro anniversary celebration na dadaluhan ng libo-libong guro mula sa iba't-ibang panig ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

Brand new house and lot, smartphones at gadgets, home appliances, at livelihood packages ang ilan sa mga premyo na mapapanalunan ng mga teacher sa raffle draw na grand treat sa kanila ng Gabay Guro na patuloy sa pagbibigay sa kanila ng parangal at empowerment.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results