Luigi Revilla, nagpapasalamat kay Lani Mercado sa pagtanggap sa kanya bilang stepson

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2018

Tres ang pamagat ng comeback movie ng Imus Productions dahil ang tatlong magkakapatid na sina Bryan, Jolo, at Luigi Revilla ang mga bida ng pelikula.

Sa October 3 ang playdate sa cinemas nationwide ng Tres.

Ayon sa Imus Production producer na si Andrea Bautista-Ynares, nagkataon lang na pumatak sa number 3 ang petsa ng showing ng pelikula.

Si Luigi ang humarap sa entertainment press ngayong Martes, September 18, dahil nauna nang ipinainterbyu ng Imus Productions ang kanyang mga half-sibling na sina Bryan at Jolo.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jojo Gabinete

Siya ang bida sa "Amats" episode ng trilogy movie ng family-owned outfit ng mga Revilla.

Nakuha ni Luigi ang paghanga ng entertainment writers dahil sa kanyang mga unfiltered answer tungkol sa relasyon nila ni Lani Mercado, ang stepmother niya.

"When I first went to Alabang [Revilla residence] parang never kong na-feel na I was unwelcome.

"From Day 1 talaga, I’m sure, kahit papaano, masakit yun kay Tita Lani, you cannot deny na, siyempre, may anak si Papa sa labas.

"Pero grabe, bilib ako sa pag-handle niya ng situation dahil she never made me feel na I was out of place, especially when I visit. Siya pa yung nagpapakain sa akin.

"I love Tita Lani. I see her as my second mom.

"And my mom and her are okay also, and I’m just really happy and blessed that she and my siblings accepted me to the family.

"Ngayon, sobrang close kami," kuwento ni Luigi tungkol sa maayos at magandang relasyon niya kay Lani na dahilan para palakpakan siya ng entertainment press.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results