Markki Stroem, natanggalan ng ngipin sa sipa ni Luigi Revilla

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2018

Hindi na makakalimutan ni Markki Stroem ang participation niya sa "Amats," isa sa mga episode sa Tres, ang trilogy movie ng Imus Productions, dahil natanggalan siya ng ngipin.

Isang araw na nga lang ang shooting ni Markki para sa pelikula na pinagbibidahan ni Luigi Revilla, minalas pa siya.

Continue reading below ↓
Markki Stroem & Luigi Revilla
 IMAGE Instagram

Muay Thai expert si Luigi na hindi sinasadyang napalakas ang sipa na tumama sa mukha ni Markki nang kunan ng direktor na si Dondon Santos ang fight scene nila sa "Amats."

"Medyo tinamaan ko siya nung sinipa ko. Pagkasipa ko, nahulog siya.

"Akala namin, akting," umpisang kuwento ni Luigi tungkol sa nangyari kay Markki.

"Even yung DOP [director of photography], cameramen namin, sabi, ‘Uy ang ganda nung sipa na yun. Sapul na sapul.

"After nang masipa ko siya sa face, nagko-complain na siya. Parang masakit ang jaw niya.

"Nagpatawag na kami ng nurse. Even if natamaan na siya, hindi siya maarte. Itinuloy pa rin niya [ang shooting].

"The next day, natanggal nga yung ngipin niya. Nag-loose yung tooth niya and then, natanggal.

"So sobrang nahiya ako. After nun, nag-usap pa kami na parang wala lang. Sabi niya, ‘No bro. It’s ok.’

"Mabuti na lang hindi front teeth, e, ang dami niyang projects," kuwento ni Luigi tungkol sa unforgettable experience ni Markki sa set ng "Amats."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results