Sen. Koko Pimentel, kinuhang ninong sa kasal ang mas bata sa kanyang si Sen. Manny Pacquiao

by Jojo Gabinete
Sep 19, 2018

Sina President Rodrigo Duterte, Senate President Tito Sotto, Senator Manny Pacquiao, Special Assistant to the President Bong Go, House Representative and former beauty queen Yedda Marie Romualdez, Jinkee Pacquiao, at Helen Gamboa-Sotto ang ilan sa principal sponsors sa civil wedding ni Senator Koko Pimentel at ng fiancée nito, ang chef na si Kathryna Yu.

Continue reading below ↓

Magaganap ang pag-iisang dibidib nina Senator Koko at Kathryna sa October 18, 2018 sa The Coconut Palace, Cultural Center of the Philippines Complex, Manila.

"Nahiya ako sa ninong na mas bata sa akin," kuwento ni Senator Koko tungkol sa pagsasabi niya sa Pambansang Kamao na isa ito sa mga napipisil nila ni Kathryna para maging ninong sa kanilang pag-iisang dibdib.

Continue reading below ↓

"Nung nilapitan ko si Manny, sabi ko, 'Manny, nahihiya akong kunin kang ninong kasi mas bata ka sa akin.'

"Sabi niya, 'Sanay ako, ha?'

"'A, ganoon ba? E, di okey!'" ang natatawang pagbabahagi ng 54-year-old senator tungkol sa pag-uusap nila ng kanilang magiging ninong sa kasal na mas bata sa kanya ng 15 taon.

Continue reading below ↓

LOVE AT FIRST SIGHT

Ayon kay Senator Koko, "love at first sight" ang naramdaman nito nang una silang magkita ni Kathryna sa victory party niya pagkatapos ng May 2013 elections.

Ang pagiging lady-like at good conversationalist ni Kathryna raw ang hinangaan ng senador sa unang pagkakataon ng pagtatagpo nila.

Dahil mahusay na chef at may catering business si Kathryna, siya ang pinatatawagan ni Senator Koko sa tuwing may mga bisita ito at kailangan ng caterer sa Senate office niya.

Sa tuwing may catering service siya sa opisina ni Senator Koko, takang-taka si Kathryna dahil ito ang ipinatatawag ng senador para magtimpla ng kape nito.

Nang magkaroon sila ng relasyon, saka natuklasan ni Kathryna na hindi umiinom ng kape si Senator Koko.

Ploy lamang nito ang pagpapatimpla ng kape sa kanya para makausap siya.

Noong October 18, 2013 ang "first date" ng dalawa at group date ito dahil hindi sinipot ni Kathryna ang unang lunch invitation sa kanya ni Senator Koko.

Continue reading below ↓

Nang mabanggit ng Cabinet Files kay Senator Koko na, kadalasan, nagiging emosyunal ang karamihan sa mga groom sa araw ng kanilang kasal dahil sa sobrang kaligayahan, "Iiyak din ako" ang seryosong reaksiyon niya.

"Pati itong last na in-attend-an ko na ninong ako, umiyak din, kaya sabi ko, 'Baka kailangan talagang umiyak?'" may pagtatakang pahayag ni Senator Koko.

Halatang-halata sa mga kilos, pananalita, at tingin ng senador ang umaapaw na pagmamahal sa future wife niya na hindi raw marunong magalit at ni minsan, wala silang pinag-aawayan.

Nagbitaw si Senator Koko ng salita na kung hindi niya nakilala si Kathryna, wala na sa plano niya ang mag-asawang muli dahil ang mga anak na sina Martin at Akio na lamang daw ang kanyang pagbubuhusan ng atensiyon at panahon.

Eighteen years older si Senator Koko kay Kathryna, na nagulat naman dahil hindi nito inaasahang sweet at thoughtful sa tunay na buhay ang senador na may formal at serious public image, na pinili niyang makasama sa habambuhay.

Continue reading below ↓

Noong panahon ng Corona impeachment hearing, may Italian restaurant si Kathryna sa Makati City kaya napapanood niya sa TV si Senator Koko.

Kuwento ni Kathryna, "Yung customers namin, puro lawyers, ipina-on nila sa akin yung TV para mapanood nila yung impeachment trial.

"May TV kasi sa middle ng restaurant, lahat sila nakatingin, pinapakinggan nila isa-isa yung pagsasalita ng mga senator.

"Sabi ko, ang boring naman nito. 'Tapos, ayaw umalis ng lawyers kasi hinihintay nila na magsalita ng isa-isa ang mga senador.

"Sabi ko, bad for business ito, coffee at dessert lang ang inu-order nila at the time!" natatawang pagbabalik-alaala ng fiancée ni Senator Koko.

Postscript: Pormal na hiningi ni Senator Koko ang kamay ni Kathryna sa mga magulang nito na botong-boto sa kanya.

Ang fashion designer na si Paul Cabral ang gumawa ng bridal gown ni Kathryna at ng polo barong ni Senator Koko.

Filipiniana ang motif ng civil wedding at neutral colors na kasuotan ang hiling ng mga ikakasal sa mga invited guest nila.

Continue reading below ↓

Si Chef Florabel Yatco ang wedding caterer, si Penk Ching ang wedding cake provider, at si Robert Blancaflor ang wedding ceremony and reception stylist.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results