Vice Ganda, ibinuking ng "Miss Q&A" contestant tungkol sa ex-boyfriend niyang si Buknoy

by Jojo Gabinete
Sep 19, 2018

Dumbfounded si Vice Ganda sa episode ng "Miss Q & A" segment ng It’s Showtime ngayong Miyerkules, September 19, dahil sa mga rebelasyon ng gay contestant na si Nadine Baksya "Ikik" Monteverde ng Tondo, Manila.

Nanlaki ang mata, napanganga, at nilapitan ni Vice si Ikik na hinampas niya sa balikat at binulungan.

Continue reading below ↓

Ito ay dahil sa pahayag ng contestant na kilala nito si Buknoy, na anak ni Aling Panching, ang ex-boyfriend ng sikat na comedian at television host.

Nang sabihin ni Ikik na karpintero si Boknoy, itinanggi ito ni Vice.

Pero sagot ng contestant, "Kasi nga, ayaw ipasabi ang totoo."

"Uy, minahal ko yun. Ang tagal namin nun," depensa naman ni Vice.

Nasukol si Vice ng mga rebelasyon ni Ikik kaya napilitan na rin siyang magkuwento tungkol kay Buknoy at sa pagkasira ng kanilang relasyon na nangyari sa isang tapsilugan.

"Kasi dun ko nakita yung girlfriend, e.

"Nakita ko, kumakain siya doon kasama yung girlfriend, e, dinadaanan ko talaga yun.

"Isang beses, umuulan, bumagyo, so isinara yung comedy bar, wala kaming pasok. Maaga akong umuwi.

"Pagdating ko doon, kumakain sila dun sa kainan ng tapsilog, 'tapos may kasama siyang babae.

"Yung mga babaeng backride girl. Yung mga laging naka-backride sa tricycle."

"So, tricycle driver siya?" reaksiyon ni Jhong Hilario sa kuwento ni Vic, na muling ikinabigla at ikinatawa nito.

Continue reading below ↓

Patuloy na kuwento ni Vice, "Nakita ko nga na kumakain sila nung babae.

"Hinablot ko talaga yung babae. Nagkagulo talaga… kinaladkad ko yung babae.

"Siyempre nung mga panahon na yun, ang hirap-hirap ng buhay, 'no? Nag-live in kasi kami nun.

"Nakatira kami sa bahay namin doon sa Tambunting.

"Hindi nga alam ng lolo ko na dyowa ko yun. Ang akala niya, ka-basketball ko.

"Tinatanong ng lolo ko, 'Tutoy, bakit dito laging natutulog yung kabarkada mo?'

"'E, maaga yung liga namin bukas, saka magdya-jogging kami mamayang ala-sais.' Hindi niya alam dyowa ko," ang palusot na sagot ni Vice sa kanyang lolo.

Hindi rin agad nakapag-react at napangiti na lang si Vice sa mga sumunod na pahayag ni Ikik na may kinalaman naman sa kanya.

"Maliit pa ako noon, mga six years old. Basta alam ko, 2002, nasa Tondo pa siya.

"Nakikita ko na siya, hindi ko lang maaninag na maigi ang mukha niya, kasi nga, alam mo naman, hindi pa ganoon kabongga," prangkahang sabi ni Ikik kaya naghalakhakan ang studio audience.

Continue reading below ↓

Sinagot na lang siya ni Vice ng "Ikaw, hindi ko rin malaman kung kakampi kita o inilalaglag mo talaga ako" ang mga pambubuko ni Ikik sa nakaraan niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results