Leading lady noon ni Bong Revilla na si Assunta de Rossi, kapareha ngayon ng anak na si Luigi

by Jojo Gabinete
Sep 19, 2018

Sixteen years ago, si Assunta de Rossi ang leading lady ni former Senator Bong Revilla Jr. sa 2002 action movie na Kilabot at Kembot.

Naging maingay ang pelikulang pinilahan sa box office dahil pinag-usapan ang sizzling love scene ng dalawa at ang pagpayag ni Bong na magkaroon ng butt exposure.

Fast forward to 2018. Ang anak ni Bong na si Luigi Revilla ang kapareha ni Assunta sa "Amats" episode ng trilogy movie na Tres ng Imus Productions.

Continue reading below ↓
Luigi Revilla & Assunta de Rossi
 IMAGE Instagram

Si Dondon Santos ang direktor ng "Amats" at siya ang may idea na ang love scene nina Assunta at Luigi ang kunan sa unang araw ng shooting para mawala ang inhibitions at maging kumportable agad ang dalawa sa isa’t isa sa mga susunod na eksena.

Reportedly, parehong topless sina Luigi at Assunta sa love scene nila.

Malaki ang pasasalamat ng batang aktor kay Assunta dahil sa ipinakita nitong professionalism.

Ang aktres din ang nag-guide sa kanya habang ginagawa nila ang maselan na eksena.

Pagkatapos makunan ang love scene ng dalawa, si Assunta pa ang nag-apologize kay Luigi.

Sa kuwento ng "Amats," ginamit si Luigi ng karakter ni Assunta sa kasamaan. Siya rin ang nagbinyag kay Luigi dahil inosente pa ito sa kamunduhan.

Para kay Luigi, isang malaking karangalan na makasama niya sa pelikula si Assunta na nirerespeto niya at isa sa mga aktres na kanyang hinahangaan noong nagbibinata siya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results