Marco Gumabao, hindi nagkamali sa desisyong kumalas sa Star Magic

by Jojo Gabinete
Sep 21, 2018

Isang taon na ang nakalilipas mula nang magpasya si Marco Gumabao na umalis sa Star Magic at lumipat sa Viva Artists Agency noong September 3, 2017.

At the time, alam ni Marco na mapanganib ang kanyang ginawa, pero sinasabi niya ngayong hindi siya nagkamali ng desisyon.

 IMAGE Noel Orsal

"Malaking desisyon yun for me kasi, unang-una, I was gonna leave my mother network, mawawala ako sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"And for me, hindi ako sure kung makakakuha pa ako ng projects sa ABS-CBN, pero it was a risk I was gonna take.

"Medyo risk-taker din ako. Mahilig akong sumugal.

"Hindi ko naman malalaman if gagana yung isang bagay if hindi ko ita-try."

Patuloy niya, "May kaba nung una, especially natanggal ako sa isang project because they wanted [someone] from Star Magic.

"Naintindihan ko, natanggal ako, and I expected it din naman.

"Pero happy ako now na na-cast uli ako sa Los Bastardos."

Ang Los Bastardos ay ang upcoming teleserye ng ABS-CBN.

Sabi pa ni Marco, "Ako talaga, my heart is with ABS.

"Nandoon ang lahat ng mga boss na napakabait sa akin. I feel at home with them.

"Happy ako na nabigyan [ng project] sa ABS, sana magtuluy-tuloy."

Mapapanood si Marco sa Para sa Broken Hearted, na unang pelikula niya sa Viva Films bilang contract star ng Viva Artists Agency.

Continue reading below ↓

Pero naunang ipalabas sa mga sinehan ang sexy-comedy movie na Abay Babes.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results