Andrea Torres, ayaw sabihin ang dahilan ng pagpasok ng mga Sang'gre sa Victor Magtanggol

by Jojo Gabinete
Sep 21, 2018

Tumanggi si Andrea Torres na sabihin ang dahilan ng pagpasok ng apat na Sang'gre ng Encantadia sa Victor Magtanggol.

Pero nilinaw niyang matagal nang plano na isali sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez sa kuwento ng prime-time television series nila ni Alden Richards sa GMA-7.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

"Matagal nang pinag-uusapan sa set yung idea.

"Di ba, lagi naman na kapag fantaserye, nabi-bring up naman yung Encantadia na nagku-cross over?

"So, matagal nang nadi-discuss sa set pero hindi ko yata puwedeng sabihin kung bakit," paliwanag ni Andrea tungkol sa special participation ng Encantadia stars sa Victor Magtanggol.

"Oo naman" ang mabilis na sagot ni Andrea nang itanong sa kanya ng Cabinet Files kung pabor ba siya na idagdag sa Victor Magtanggol ang mga Sang'gre ng Encantadia, pero hindi pa sila nagkakaroon ng mga eksena na magkakasama.

Continue reading below ↓
Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Sanya Lopez, and Glaiza de Castro
 IMAGE Glaiza de Castro Instagram

Hanggang kailan mapapanood sa Victor Magtanggol ang Encantadia stars?

"Hindi ko rin puwedeng sabihin," sabi ni Andrea.

Nabigay ng assurance si Andrea na ginawa talagang special ang guesting nina Glaiza, Kylie, Gabbi, at Sanya sa Victor Magtanggol dahil marami ang nakaka-miss sa muling pagsasama ng mga artista ng Encantadia.

Trivia: Noong September 2016, pumayag si Alden Richards na lumabas sa Encantadia bilang Lakan, dalawang buwan mula nang mapanood ang pilot episode ng telefantasya ng GMA-7 noong July 18, 2016.

Nakatulong ang special appearance ng aktor sa ratings ng Encantadia.

Now, it’s payback time for Glaiza, Kylie, Gabbi, and Sanya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results