Direktor ng Liway, pinatotohanan ang mga kuwento ng martial law victims

by Jojo Gabinete
Sep 21, 2018

Ginuginita ngayong araw, September 21, ang ika-46 anibersaryo ng Batas Militar sa Pilipinas.

Makabuluhan ang araw na ito para sa direktor na si Dakip "Kip" Oeabanda dahil naganap sa UP Film Institute kanina ang press conference at screening ng Liway, ang pelikula nina Glaiza de Castro, Dominic Roco, at ng child actor na si Kenken Nuyad.

Ang Liway ay official entry sa 14th Cinemalaya Independent Film Festival noong nakaraang buwan at magkakaroon ng commercial run sa October 10.

Si Kip ang direktor ng Liway, na true story ng buhay nila ng kanyang ina—ang anti-Marcos dissident na si Cecilia Flores-Oebanda, aka Commander Liway, na isang freedom fighter at apat na taon na nakulong sa Camp Martin Delgado, Iloilo City.

Continue reading below ↓
Glaiza de Castro, Cecilia Flores-Oebanda, and director Kip Oebanda
 IMAGE Jojo Gabinete

"If you go to Camp Delgado ngayon, police detachment na siya.

"Although hindi ko nakikita yung labas, it’s still not an ideal for a child to grow up in.

"And then, during that time, outside, nagka-famine pa.

"Kasi it was Negros’ famine of 1985 and some of my playmates, namatay sa sakit," pagbabalik-alaala ni Kip tungkol sa pananatili nila ng nanay niya sa Camp Delgado.

Dagdag niya, "Kapag hindi mo alam na kulungan siya, it really looks normal.

"It really looks like any other small community.

"First realization ko na kulungan yung pinanggalingan ko, mga five or five years old ako.

"As I progress, dun mas naging clear, lalo na nung pumasok ako sa school.

"I remember distinctly, elementary, grade one, tinanong ako ng teacher ng ‘One orange plus one orange equals?’

"'Ano po yung orange?' I have never seen an orange. I haven’t seen cars, buildings.

"So, paglabas ko, overwhelming, to the point na para makatulog ako, my tito would have to say lights off bago patayin ang ilaw dahil doon ka na-acclimatize.

Continue reading below ↓

"Yun ang naging habit mo [sa loob ng kulungan]," dagdag na pahayag ni Kip tungkol sa nakaraan niya bilang anak ng isang martial law victim.

Ang Liway at ang kanyang mga personal na karanasan ang testimonya ni Kip na totoo ang mga nababalitaan nating pagdurusa ng mga biktima ng Batas Militar.

"What’s happening now, what we wanted and what we hope could happen, which I think is happening in our screenings is to tell the stories of the victims in general, na totoo yung narratives ng martial victims.

"Literally, kahapon lang, I saw a video where Juan Ponce Enrile was saying name me one victim of martial law, kasi may active effort talaga to discredit the histories of people, fairy tale daw.

"So I wanted to provide a face to that, and it’s a very big risk on the part of me, personally, given the situation now to say na, 'Kami ito. True story ito, it’s us.'

Continue reading below ↓

"I think it’s also to bring justice to those people who sacrificed so much," pahayag ni Kip.

Kasama ni Kip sa presscon ng Liway ang kanyang ina na founder at president ng Visayan Forum, ang non–profit organization na tumutulong sa mga kababaihan at kabataan na biktima ng human trafficking

"Mga gang naman ang kalaban niya ngayon," nakangiting sabi ni Kip tungkol kay Commander Liway, na isang child laborer at freedom fighter laban sa administrasyon ni Ferdinand Marcos.

Nang makalaya si Commander Liway noong 1991, ginugol niya ang kanyang panahon sa pagtulong sa mga biktima ng human trafficking.

Anti-Slavery Awardee, a Trafficking in Persons Hero at Skoll Award winner for Social Entrepreneurship si Commander Liway, na isa sa mga subject ng The Fighters, ang full-length documentary ng CNN Freedom Project noong May 2013.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Liway
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results