Pamilya ni Alden Richards, na-late sa concert niya dahil sa matinding traffic

by Jojo Gabinete
Sep 22, 2018

Noong hindi pa parusa ang traffic situation sa Metro Manila, halos, 45 minutes hanggang isang oras ang biyahe mula sa Cubao, Quezon City hanggang sa Sta.Rosa, Laguna.

Kung kailan sinasabi na nagiging madali na ang lahat dahil sa modern technology, lalong lumala at wala nang maisip na solusyon sa traffic na nagpapahirap sa mga pasahero at motorista.

Ang kasumpa-sumpang traffic armageddon kagabi ang dahilan kaya nag-tweet si Vice Ganda ng "E, kung palitan na lang yung last line ng national anthem ng ‘Ang matraffic ng dahil sa’yo'??!! Mas keri ba?"

Patama rin ito sa mungkahi ni Senate President Tito Sotto na palitan ang "Ang mamatay nang dahil sa ’yo" ng "Ang ipaglaban kalayaan mo" ang lyrics ng "Lupang Hinirang," ang Pambansang Awit ng Pilipinas.

"Weird, ‘no? Ang feeling ko, tama na si Julian Felipe," reaksiyon naman ng Liway director na si Kip Oebanda tungkol sa "brilliant idea" ng Senate president, na passion pa rin ang pagsusulat ng kanta kaya siguro napagbalingan niya ng atensiyon ang nananahimik na lyrics ng 120-year-old Philippine National Anthem.

Continue reading below ↓

"Sabihin mo, palitan na rin niya ang lyrics ng Eat Bulaga," ang suggestion kay Sotto ng isang veteran entertainment journalist na narinig ang komento ni Oebanda.

At any rate, mga biktima rin ng nakakaiyak na traffic situation kagabi, September 21, ang pamilya ni Alden Richards na maagang umalis mula sa bahay nila sa Sta. Rosa City para panoorin ang Adrenaline Rush concert ng aktor sa Kia Theatre.

View this post on Instagram

God gave us you, @aldenrichards02! �?� #AldenAdrenalineRush

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on

Mabagal ang usad ng mga sasakyan ng northbound motorists at para malibang sa gitna ng traffic, nag-live broadcast sa social media, bandang 7 p.m., ang tatay ni Alden na si Richard Faulkerson Sr. habang nasa Nichols SLEX area sila ng kanyang mga kasama.

Sinabi ni Daddy Bae na 9 p.m. ang estimated arrival nila sa Kia Theatre, ayon sa GPS navigation app na Waze.

Ipinarating namin sa ama ni Alden na malakas ang buhos ng ulan sa Cubao ng mga oras na iyon kaya duda kami na maaabutan nila ang umpisa ng concert ni Alden.

Continue reading below ↓

True enough, hindi umubra sa EDSA traffic ang kredibilidad ng Waze, na hindi na pinaniniwalaan, dahil eksaktong 10:15 p.m. nang makarating sa Kia Theatre ang pamilya ni Alden.

"Umabot naman, 10:15 P.M. dumating kami," kuwento sa Cabinet Files ni Daddy Bae na pihadong nakaranas din ng matinding adrenaline rush dahil sa pangambang baka ma-miss nila ang concert ng anak niya.

Napanood pa rin ng pamilya ni Alden ang kalahati ng successful concert nito dahil kahit 8 pm ang nakalagay sa ticket, 9:30 p.m. nang magsimula ang Adrenalin Rush at natapos ito ng past 12 midnight.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results